Mga Bagong Opisyal ng Batangas Province Association of Barangay Captains (ABC), Pormal na Nanumpa

Procurement Monitoring Report (2023)
January 12, 2024
Basic DRRM Concepts, 1st Aid at Basic Life Support Training para sa mga Bantay Dagat, Isinagawa
January 15, 2024

January 15, 2024

ABC Pres. Rocafort, Uupo nang Board Member ng Lalawigan

Nanumpa sa harapan ni Governor Hermilando Mandanas at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang mga bagong halal na opisyal ng Batangas Province Association of Barangay Captains (ABC), sa pangunguna ni ABC President Fernando Rocafort, kasabay ng isinagawang pagpupugay sa bandila ng Pilipinas ng Kapitolyo noong ika-15 ng Enero 2024 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Kabilang sa mga newly-elected officers sina ABC Vice President Novilito Manalo, Auditor Charito Pineda, kasama ang mga Board of Directors na sina Nonato Gonzales, Antonio Caguete, Renato Lat, Emerito Herrera, Ricky Villanueva, Alberto Lopez, Cresencio Dalanon, at Liwelyndo Vergara.

Ang eleksyon ng mga opisyal ay ginanap noong ika-12 ng Enero 2024 sa Liga ng mga Barangay Batangas Chapter Building, Capitol Compound, Batangas City.

Kaugnay nito, pormal na ring nanumpa bilang ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas si G. Fernando Rocafort, na punong barangay ng Barangay Halang, Lipa City. Siya ay papalit kay former Batangas ABC President Board Member Wilfredo Maliksi at interim Board Member Medel Medrano.

Gian Marco Escamillas, Batangas Capitol PIO / Photos by Francis Milla

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.