Basic DRRM Concepts, 1st Aid at Basic Life Support Training para sa mga Bantay Dagat, Isinagawa

Mga Bagong Opisyal ng Batangas Province Association of Barangay Captains (ABC), Pormal na Nanumpa
January 15, 2024
Local Government Support Fund – Financial Assistance (FA) to Local Government Units (LGUs) – Report on Fund Utilization and Status of Program/Project Implementation as of December 31, 2023
January 17, 2024

January 15, 2024

Magkatulong na isinagawa ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang Basic DRRM Concepts, 1st Aid at Basic Life Support Training para sa mga miyembro ng Bantay Dagat Network mula sa 14 na lungsod at bayan ng Lalawigan ng Batangas na may mga organisadong samahan ng Bantay Dagat, sa pakikipagtulungan mula sa Municipal Agriculture Office (MAO) at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).

Layunin ng pagsasanay na mabigyan ng sapat na kakayahan at kaalaman ang mga Bantay Dagat kung paano tumugon ng mahinahon at epektibo sa panahon ng emergency at disaster, at upang makakuha ng mga kinakailangang kaalaman, praktikal na mga kasanayan at pang-unawa upang magbigay ng naaangkop na pangunang lunas o 1st aid sa panahon ng emergency, at pangunang gabay sa kaligtasan sa panahon ng kalamidad.

Kaugnay nito, itinuro at ipinaliwanag sa mga Bantay Dagat ang Philippine DRRM System; Climate Change; DRRM Applications at Commitment; Basic First Aid Concepts at Principles; Common Emergencies and its First Aid (with Demonstration); Basic Life Support, Cardiopulmonary Resuscitation, Rescue Breathing; at Foreign Body Airway Obstruction (FBAO) Management. Pagkatapos ng mga presentasyon, isinagawa ang demonstrasyon o exercise activities upang masukat ang antas ng kaalaman ng mga Bantay Dagat, ayon sa mga natutunan at natandaan ng mga ito.

Ang mga Bantay Dagat, na karamihan ay mga boluntaryo, ay nagtutulungan sa pamamagitan ng pagpapatrolya at pagsubaybay (foot and seaborne patrol) 24/7 upang matiyak na walang banta ng iligal na gawain sa karagatan, at kung mayroon man, ay nagbibigay kaagad ng kaukulang aksyon.

Malugod na tinanggap at binati ng mga pamunuan ng mga pamahalaang lokal ng 14 na lungsod at bayan ang mga Bantay Dagat. Lubos din ang pasasalamat nila sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamumuno ni Governor Hermilando I. Mandanas, dahil, sa pamamagitan ng PGENRO at PDRRMO, nakapagsasagawa ng ganitong pagsasanay para sa kagalingan at kahusayan ng mga Bantay Dagat, na isa sa mga pangunahing nakatutulong sa pagresponde sa oras ng emergency at kalamidad sa karagatan sa kani-kanilang mga bayan.

Tumanggap ng Certificates of Participation ang mga Bantay Dagat na nakatapos ng pagsasanay. Samantala, nabigyan ng pagkilala at token ang mga Bantay Dagat na nanguna o higit na nagpakita ng galing sa mga activities na isinagawa. Baon ng mga Bantay Dagat ang mga dagdag na kaalaman at kakayahan na nakuha mula sa pagsasanay, ganun din ang saya sa muli nilang pagsasama-sama.

PGENRO – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.