Maliputo Culture Project ng Kapitolyo Sinimulan na rin sa Lemery

Invitation to Bid -INFRA (September 6, 2023)
August 18, 2023
Mga Tagapagsulong ng Voluntary Blood Services Program sa Batangas, Kinilala sa SANDUGO Awards 2023
August 22, 2023

August 18, 2023

Sa patuloy na implementasyon ng Maliputo Culture Project ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), nasa 7,500 na Maliputo fingerlings ang kasalukuyang inaalagaan ng samahan ng mga mangingisda sa Barangay Sambal Ilaya sa Bayan ng Lemery.

Kasunod ito ng naging matagumpay na unang pagpapalaki ng Maliputo na isinagawa sa Bayan ng San Luis, na nagkaroon ng ani na mahigit 88 kilo noong nakaraaang buwan ng Hulyo 2023.

Ayon kay OPAg Department Head, Dr. Rodrigo Bautista, ang proyekto ay kaugnay sa adhikain ni Governor DoDo Mandanas na lalo pang palakasin ang sektor ng pangisdaan, tungo sa pagkakaroon ng sapat na pagkain sa lalawigan.

Kuwento ni John Paul Cabasal, Agricultural Technician I ng nasabing panlalawigang tanggapan, 15 ang mga miyembro ng Samahan ng Magmamaliputo ng Lemery, na pinagkalooban ng mga Maliputo fingerlings. Sa OPAg na rin aniya nagmumula ang pakain ng mga ito hanggang sa panahon ng pag-aani.

Lubos naman ang naging pasasalamat ni Lemery Municipal Agriculturist Florentino Valencia sa naturang proyekto ng Kapitolyo.

Jun Magnaye / Photos: Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.