February 8, 2024
Bilang pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa 20th National Dental Health Month, pinangunahan ng Provincial Health Office (PHO) ang isang motorcade na isinagawa sa Bayan ng Taal kahapon,February 7 2024.
Katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Taal, umikot ang motorcade sa mga barangay ng nasabing bayan, habang bumisita rin sina PHO Department Head, Dr. Rosvilinda Ozaeta at Assistant Department Head, Dra Lally Masangkay, kasama si Taal Mayor Pong Mercado, sa ilang mga paaralan para sa paglulunsad ng “Orally Fit Child Club.”
Ayon kay Provincial Oral Health Program Coordinator, Dr. Dionisio Burog, Jr., 142 na mga mag-aaral dito ang napagkalooban ng orally-fit child certificate.
Binigyang-diin din niya na dapat sa murang edad pa lamang ng mga mag-aaral ay naituturo at nagagabayan na ang mga ito sa tamang pangangalaga ng kanilang mga ngipin.
Buong buwan ng Pebrero ay iikot umano ang kanilang grupo sa mga bayan-bayan para sa mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ng Oral Health Month.
Batangas PIO Capitol – Jun Magnaye / Photos: Batangas PHO