Kapitolyo, Kinilala ang Serbisyo ni Provincial Planning and Development Head, Engr. Estigoy

Notice of Vacant Positions
June 20, 2023
Batangueño World War II Veteran, Kinilala ng Kapitolyo
June 21, 2023

June 21, 2023

Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, ang kasipagan at dedikasyon ni Provincial Planning and Development Coordinator, Engr. Evelyn Estigoy, kasabay ng isinagawang pagpupugay sa bandila ng Pilipinas nitong Lunes, ika-19 ng Hunyo 2023, sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City.

Sa pamamagitan ng Provincial Development Council (PDC) Resolution No. 20-2023, binigyang-rekognisyon ang naging bahagi ni Engr. Estigoy sa iba’t ibang development planning initiatives ng pamahalaang panlalawigan, kabilang ang biodiversity management para sa patuloy na pag-unlad ng probinsya.

Binigyang-pansin din ang kanyang naging kontribusyon, bilang pinuno ng kalihiman ng Batangas PDC, sa pagbalangkas ng development plans at investment programs, maging ang koordinasyon, pagsubaybay at pagsusuri sa pagpapatupad nito.

Ang nasabing resolusyon ay inendorso ni Engr. Raul Mercado, Presidente ng Philippine Chamber of Commerce, and Industry (PCCI)-Batangas, at marapat na sinegundahan ni Arch. Cardelan Hernandez, kinatawan ni EnP. Belina M. Montalbo ng Philipping Instititute of Envionmental Planners (PIEP)-Batangas Chapter, sa nakaraang PDC – Full Council Meeting na ginanap noong ika-2 ng Hunyo 2023 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Si Engr. Estigoy ay unang naging Provincial Planning and Development Coordinator noong 1993 hanggang 1996. Kasunod nito, siya ay naging Provincial Government-Environment and Natural Resources Officer simula 1996 hanggang taong 2007.

Matapos ang sampung taon, bumalik si Engr. Estigoy sa Kapitolyo bilang Provincial School Board Secretary noong 2017, at muling naitalaga bilang Provincial Planning and Development Coordinator noong 2021 hanggang sa kasalukuyan.

Dahil sa kanyang pagsisikap na maitaguyod ang mga hangarin ng pamahalaan, nakamit ng lalawigan ang ilang karangalan gaya ng Most Outstanding Integrated Coastal Management in East Asia noong panahon ni dating Gobernador Armando Sanchez. Makailang ulit din na hinirang ng CALABARZON Regional Project Monitoring Committee ang lalawigan ng Batangas bilang Oustanding Local Project Monitoring Committee simula noong taong 2020.

Sa kanyang maikling mensahe, nagpasalamat si Engr. Estigoy kay Gov. Mandanas sa pagbibigay ng tiwala sa kanya upang pangunahan ang Provincial Planning and Development Office. Ayon sa kanya, naging inspirasyon niya ang uri ng pamumuno na ipinakikita ng gobernador na maka-Diyos, maka-tao, maka-kalikasan at maka-bansa upang maisakatuparan niya ang kanyang tungkulin.

Samantala, ilan sa mga kasalukuyan at inaantabayanan na proyekto kung saan naging bahagi ang PPDO ay ang Nasugbu-Bauan Expressway, Smart Growth Connect (SGConnect) at ang Verde Island Passage Marine Biodiversity Center.

Gian Marco Escamillas – Batangas Capitol PIO / Photos by JunJun Hara De Chavez

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.