Batangueño World War II Veteran, Kinilala ng Kapitolyo

Kapitolyo, Kinilala ang Serbisyo ni Provincial Planning and Development Head, Engr. Estigoy
June 21, 2023
Agency Procurement Compliance and Performance Indicator (APCPI) Self-Assessment Form 2022
June 22, 2023

June 21, 2023

Binigyang-parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor Dodo Mandanas, kasama ang mga Board Members ng Sangguniaang Panlalawigan, si Ginoong Fidel Gonzales Macahia, isang World War II veteran na mula sa Lungsod ng Tanauan, Batangas kasabay sa isinagawang pagpupugay sa Bandila ng Pilipinas ngayong araw ika-19 ng Hunyo 2023 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Si Ginoong Macahia ay kabilang sa mga Pilipinong nakipaglaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong Disyembre 1941, at napadestino sa 224th Infantry Station Philippine Constabulary.

Mapalad siyang nakaligtas sa lahat ng mga pinagdaanan nang sakupin ng bansang Japan ang Pilipinas. Sa kabila ng kakulangan ng armas, bala, pagkain at mga kagamitang pandigma, kabilang ang Batangueñong sundalo sa mga nakalampas sa panganib, maging sa tinaguriang Death March, kung saan ang mga nadakip na mga sundalong Pilipino at Amerikano ay pinaglakad nang halos 105 kilometro mula Mariveles, Bataan patungong Capaz, Tarlac.

Hindi naglaon ay kinuha si Macahia ni dating Speaker Jose B. Laurel Jr. bilang security at intelligence officer sa kanyang tanggapan.

Noong Marso 1986, nagtungo siya sa Amerika bilang isang US War Veteran, at naging US citizen, na naging susi naman upang umunlad ang kanyang pamilya. Siya ay nahalal na Grand Knight ng Baltimore Council ng Knights of Columbus noong 2011, at nagsilbing consultant hanggang 2014. Makalipas ang ilang taon, muli siyang nagbalik sa Pilipinas at naging miyembro ng Batangas Forum.

Nakatanggap din ng insentibo mula sa pamahalaang panlalawigan si Macahia, na nagdaos ng kanyang ika-isang daang taong kaarawan noong ika-24 ng Abril 2023.

Sang-ayon nga sa mensahe ni Gov. Mandanas, ang sentinaryong Tanaueño ay “..isang tunay na inspirasyon at kahanga-hangang bayani na nagtanggol sa ating bansa sa panahon ng digmaan, na bahagi ng ating kasaysayan, at halimbawa ng isang Pilipinong Batangueñong magiting.

Janssen Olimba/Jayne Elarmo Photos: JunJun Hara De Chavez

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.