Huwarang Pamilya sa mga Empleyado ng Kapitolyo, Binigyang-pagkilala

Resolution No. 1408 Year 2023, Provincial Ordinance No. 014 Year 2023 – Providing for the Passage of an Ordinance Approving the Conveyance, Transfer, Assignment and Turnover of the Management, Control, Ownership and Operation of the Lipa City District Hospital (LCDH) from the Provincial Government of Batangas (PGB) to the City Government of Lipa (CGL)
October 2, 2023
Invitation to Bid – Goods (October 25, 2023)
October 5, 2023

October 3, 2023

Pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas bilang Huwarang Pamilya 2023 ang mag-anak ni Ginang Anne De Castro ng tanggapan ng Provincial Human Resource Management (PHRMO), kasabay ng isinagawang pagpupugay sa bandila ng Pilipinas noong ika-2 ng Oktubre 2023 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Ang Search for Huwarang Pamilya for Provincial Capitol Employee ay bahagi ng selebrasyon ng National Family Week na ipinagdiriwang tuwing huling linggo ng Setyembre ng bawat taon upang maitampok ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamilya sa pagbuo ng komunidad at bansa.

Sa taong ito, isinagawa ng Provincial Social Welfare Development Office (PSWDO) at Pamilyang Huwaran sa Lalawigan ng Batangas Inc. (PHLBI) ang pagpili ng natatanging pamilya mula sa mga kawani ng Kapitolyo, na nagpamalas ng pamumuhay na karapat-dapat tularan ng iba pang pamilya.

Si Gng. De Castro ay nagsisilbi bilang Human Resource Management Officer IV sa PHRMO. Katuwang ang kanyang asawa na si G. Levi De Castro, sinikap nila na mapagtapos sa kolehiyo ang kanilang limang anak, na sa kasalukuyan ay may kanya-kanya nang trabaho.

Samantala, nakuha naman ang ikalawang puwesto ng pamilya ni G. Noledo M. Lindog mula sa Office of the Provincial Veterinarian at pumangatlo ang pamilya ni Gng. Melinda T. Mendoza mula sa Office of the Provincial Agriculturist.

Tumayong pinuno ng search committee si PHLBI President Ret. Col. Leopoldo M. Marquez, kasama sina SANGKAP Batangas President Edwin Untalan at Local Government Operations Officer Doroteo C. De Mesa mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) – Batangas.

Ang mga nanalo ay nakatanggap ng mga tropeyo at cash prize na nagkakahalaga ng ₱25,000, ₱15,000 at ₱10,000 para sa una, ikalawa at ikatlong puwesto, ayon sa pagkakabanggit.

Kasabay nito, ipinagkaloob ng Kapitolyo ang financial assistance na nagkakalahaga ng ₱400,000 sa PHLBI bilang pagsuporta sa kanilang mga programa at serbisyo na ginagawa sa lalawigan.

Gian Marco Escamillas, Batangas Capitol PIO / Photos by Junjun Hara De Chavez

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.