Higit 200 Dumalo sa Youth Webinar ng PACD

Request for Quotation – PURCHASE OF DRUGS AND MEDICINES (AMLODIPINE 5MG TABLET, CETIRIZINE 10 MG TABLET, ETC.) FOR USE OF PATIENTS CONFINED/QUARANTINED AT BATANGAS PROVINCE COVID FACILITIES
June 17, 2021
Invitation to Bid (July 14, 2021)
June 24, 2021

June 19, 2021

Mahigit 200 na mga kabataan mula sa iba’t-ibang bayan ng Lalawigan ng Batangas ang dumalo sa webinar, na may titulong “Millennial Issues and Concerns: Crucial to the Growth and Development of Future Leaders,” noong ika-15 ng Hunyo 2021.

Pinangunahan ang online seminar ng Youth and Sports Division ng Tanggapan ng Provincial Assistance for Community Development (PACD), na pinamumunuan ni Gng. Fredesvinda R. Mendoza, sang-ayon sa gabay ni Gov. DoDo Mandanas.

Tinalakay dito ang ilang mahahalagang isyu at intindihin na kinakaharap ng mga millenials, kaakibat ng kanilang pag-usad sa buhay ngayong panahon ng pandemya.

Kabilang sa mga naging paksa ang mga impormasyon tungkol sa Free Wi-Fi for All project ng Department of Information and Communications Technology (DICT), kahalagahan ng tamang paggamit ng internet, at Data Privacy Act of 2012, na pinangunahan ni Ms. Jessica Dela Cruz, DICT Training Specialist.

Inihatid naman ni Mr. Alfred Raymund Panopio, isang propesor mula sa National University Manila, ang tungkol sa Teenage Pregnancy, kung saan binigyang pagpapahalaga ang pagiging responsableng kabataan sa pamamagitan ng pag-iwas sa maagang pagbubuntis. Binigyan-diin naman ni Dr. Anne Marie Pineda, Psychiatry Head ng Batangas Medical Center, ang importansya at tamang kaisipan upang mapanatili ang maayos na mental health, sa harap ng mga pagsubok na dulot ng COVID-19 sa mentalidad ng bawat indibidwal.

Nakiisa naman sa aktibidad si 2nd District Board Member, Dr. Arlene B. Magboo, chairperson ng Committee on Health and Sanitation ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, na nagpugay sa mga kabataang aktibong nakibahagi sa webinar.

Ayon kay Ginoong Arthur Caguitla, Youth and Sports Division Chief ng PACD, naging matagumpay ang pagtitipon na layong makatulong upang kapwa maging mas kapakipakinabang na mga miyembro ng komunidad ang mga Batangueño out-of-school youth (OSY) at in-school-youth (ISY).

PACD – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.