Gov. DoDo, Speaker sa 2022 LMP General Assembly

Notice of Vacant Positions
March 2, 2022
Notice of Vacant Positions
March 3, 2022

March 3, 2022

Dumalo at nakiisa si Governor DoDo Mandanas sa isinagawang 2-day General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) kung saan naging sentro ng pagtitipon ang pagkakaisa ng pamahalaang nasyunal at mga lokal na pamahalaan para sa mas matibay at tuloy-tuloy na pag-unlad sa gitna ng pandemya.

Naging isa sa mga tagapagsalita ang Batangas governor sa nasabing pagsasama-sama ng iba’t ibang national and local officials na ginanap sa Pasay City simula kahapon, ika-01 ng Marso 2022.

Dahil isa sa naging paksa sa pagpupulong ang pagtalakay ng Department of the Interior and Local Government sa Devolution Transition Plan, nagkaroon ng pagkakataon si Governor Mandanas na muling maibahagi ang kahalagahan ng Mandanas Ruling, na itinuturing na isang makasaysayang desisyon ng Korte Suprema kung saan itinatama ang pagkalkula ng pamahalaang nasyunal sa pondong nararapat para sa mga pamahalaang lokal.

Dahil sa implementasyon ng Mandanas Ruling, mas mapapalawak na ang pagpapaganap ng desentralisasyon sa gobyerno na magpapalakas ng mga serbisyo at programa ng mga pamahalaang lokal sa bansa simula ngayong 2022.

Matatandaan na noong June 1, 2021, pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 138, na nagbibigay-gabay o patnubay sa pagpapatupad ng kautusan ng Korte Suprema.

Nakipagpulong din ang gobernador sa mga punongbayan ng Batangas Province, kung saan naging paksa ang pagtaas ng budget ng bawat bayan at barangay at mga programang magkatuwang na ipatutupad sa mga susunod na taon. Naging kaisa ditto ni Governor Mandanas sina Vice Governor Mark Leviste at ilang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.

Mark Jonathan M. Macaraig / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.