Gov. Dodo Mandanas, Dumalo sa 1st Ibaan District Teachers Convention

KOOP QUIZ 10TH Blast sa Batangas Province, Idinaos
October 25, 2018
Notice of Vacant Position
October 26, 2018

Nagsama-sama sa entablado ang mga guro ng Ibaan District, kasama sina Gov. Dodo Mandanas at Ibaan Mayor Danny Toreja, pagkatapos ng 1st Ibaan District Teachers’ Convention noong ika-25 ng Oktubre 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Photo: Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO

October 26, 2018

Nagsama-sama sa entablado ang mga guro ng Ibaan District, kasama sina Gov. Dodo Mandanas at Ibaan Mayor Danny Toreja, pagkatapos ng 1st Ibaan District Teachers’ Convention noong ika-25 ng Oktubre 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Photo: Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Dumalo si Gov. Dodo Mandanas sa idinaos na 1st Ibaan District Teachers Convention na ginanap noong ika-25 ng Oktubre 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Sa gabay ng temang “Strengthening Culture of Excellence in Teaching and Learning”, layon ng kombensyon na mas mapataas ang antas ng edukasyon sa pamamagitan ng lalo pang mas pagpaparunong sa mga guro.

Ang kombensyon, na dinaluhan din ni Ibaan Mayor Danny Toreja, ay dinaluhan ng mga kinatawan ng mga paaralan sa distrito ng Ibaan kung saan 18 ang pampubliko at tatlo ang pribadong. Binuo ito ng 16 na elementarya habang 3 ang sekondarya.

Lubos na ikinatuwa ng gobernador ang mga pagsisikap na mas pagbutihin ang mga programang pang-edukasyon sa lalawigan kaya naman nagbigay ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas ng mga bagong kagamitan para sa mga eskwelahan sa Ibaan gaya ng mga laptop, at small appliances.

Kaugnay dito, nagbigay si Gov. Mandanas ng dalawa pang laptop para sa Brgy. Mabalor at District Office at isang sasakyan para sa District Supervisor ng Ibaan. Dagdag pa niya, nauna mang mabigyan ang District Supervisor ay asahang makatatanggap rin ang ibang mga dibisyon sa distrito kasama ang mga ihahandog na mga tablet at LED sa mga eskwelahan.

Samantala, binigyang-diin din ng Ama ng Lalawigan na noong siya ay umupo bilang gobernador ay mayroon lamang isang libong mga iskolar. Ngayong taon ay naging 22,000 na ang mga educational assistance beneficiaries at inaasahang sa susunod na taon ay aakyat pa ito sa mahigit kumulang na 30,000.

Ikinatuwa naman ng mga dumalo ang isinaad ni Gov. Dodo Mandanas na kanya nang pinirmahan ang purchase request na nagkakahalagang mahigit kumulang P4,700,000 na nakalaan para sa pagbili ng medical equipment. – Marinela Jade Maneja, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.