Gov. Dodo dumalo sa Batangas Forum

Invitation to Bid – Drugs, Medicines, Medical/Dental/Laboratory/Imaging Supplies
May 3, 2017
Gov. Dodo Elected Chair of Regional Development Committee for Luzon
May 12, 2017

May 12, 2017


Naging panauhin si Batangas Governor Dodo Mandanas sa pagpupulong ng Batangas Forum for Good Governance and Development Association, Inc., at nanguna sa Oath-Taking Ceremony ng mga bagong halal na mga officers nito, noong ika 10 ng Mayo 2017 sa Lungsod ng Tanauan.

Ang Batangas Forum ay isang bagong organization ng mga Batangueno na pormal na nabuo noong 2015, at kinabibilangan ng mga indibidwal mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan at sari-saring propesyon at karera. Isa itong non-partisan group na ang mga adbokasiya ay nakatuon sa kagalingan at patuloy na kaunlaran ng Batangas Province.

Kabilang sa mga proyektong naka-programa ng nasabing samahan ng mga Barakong Batangueno ay ang pagtataguyod ng isang Batangueno Awards Program upang parangalan ang mga kababayang gumagawa ng pangalan sa iba’t ibang larangan na inaasahang mapasisimulan ngayong Disyembre 2017; ang muling pagbuhay at pagpapalaganap ng mga taniman ng Kapeng Barako, na pasisimulan sa Brgy. Pinagtong-ulan, Lipa City kung saan una itong itinanim noong 1740s; promosyon ng Batangas Province bilang haven for investors and livelihood; at tourism at environmental projects.

Nanumpa ang mga opisyal ng Batangas Forum sa harap ng Batangas Governor, sa pangunguna ng kanilang re-elected President na si former Tanauan Mayor Paquito Ebron Lirio.

Jenny Asilo Aguilera – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.