Binigyang-pagkilala si Gov. Dodo Mandanas bilang Council of Advisers member at dahil sa kanyang tuloy-tuloy at aktibong paglahok at pakikiisa sa mga naging pagpupulong ng liga sa ginanap na 8th General Assembly ng League of Provinces (LPP) of the Philippines na ginanap sa Century Park Hotel, Manila noong ika – 27 ng Pebrero 2019. Kasama sa larawan ni Gov. Mandanas sina (mula sa kaliwa) Bohol Gov. Edgardo Chatto, LPP Secretary General; Ilocos Sur Gov. Ryan Luis Singson, LPP President; Albay Gov. Al Francis Bichara, LPP Chairman; at, Atty. Harry Roque. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO
March 1, 2019

Nakibahagi si Batangas Gov. DoDo I. Mandanas sa 8th General Assembly ng League of Provinces of the Philippines (LPP), na pinangunahan ni LPP president at Ilocos Sur Gov. Ryan Luis Singson at ginanap sa Century Park Hotel sa Lungsod ng Maynila noong ika-27 ng Pebrero 2019.
Sa kanyang naging ulat, ipinagbigay-alam ni Governor DoDo sa mga dumalong miyembro ng liga ang kasalukuyang katatayuan ng isinasagawang kampanya na naglalayong palakasin at patibayin ang lokal na awtonomiya ng mga pamahalaang lokal sa pamamagitan ng People’s Initiative (PI). Ayon sa gobernador, pansamantalang inihinto ang mga pagkilos para sa isinasagawang People’s Initiative dahil sa campaign period para sa mid-term elections sa Mayo 2019.
Ginawaran naman si Gov. DoDo ng Plaque of Appreciation ng LLP bilang miyembro ng Council of Advisers sa kanyang tuloy-tuloy na pakikilahok at aktibong pakikiisa sa mga naging pagpupulong ng liga mula 2016 hanggang sa taong kasalukuyan. ✐Shelly Umali and Maccven Ocampo– Batangas Capitol PIO