Gov. DoDo, Binigyang-pagkilala ng PDEA RO IV-A

Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Nakiisa sa World Wildlife Day
March 5, 2022
Invitation to Submit Quotation – Shopping (March 8, 2022)
March 8, 2022

March 8, 2022

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office (RO) IV-A CALABARZON ang natatanging kontribusyon ni Governor DoDo Mandanas, katuwang ang mga miyembro ng Batangas Provincial Anti-Drug Abuse Council, sa patuloy na pagpapakita ng suporta sa nasabing ahensya at pagkilos laban sa iligal na droga.

Kasabay ng isinasagawang distribusyon ng iba’t ibang tulong sa Bayan ng Ibaan noong ika-4 ng Marso 2022, pormal na ipinagkaloob nina Agents Rudyard Bartolome at Junard Hinacay kay Gov. Mandanas ang Plaque of Recognition, na nagsasaad sa maalab na paniniwala ng gobernador sa misyon at kampanya ng PDEA, at pagpapaabot ng kinakailangang suporta tungo sa pagkakaroon ng drug-resistant at self-policing communities.

“Pinapahalagahan natin ang pagkilalang ito,” ani Gov. Mandanas. “Sa katunayan, ang Lalawigan ng Batangas ay isa sa talagang nangunguna pagdating sa mga programa kontra illegal drugs.”

Matatandaan na bago nalagay ang mundo sa sitwasyon ng pandemya dulot ng COVID-19 virus, kinakitaan na ng kahusayan at tagumpay ang ginagawang pagsunod ng Kapitolyo sa kampanya ng gobyerno na sugpuin ang iligal na droga sa bansa.

Dito ay nagkamit ang probinsya, batay sa ginanap na 1st National Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Awards noong taong 2018, ng high functionality points upang mapabilang sa mahigit 200 na outstanding local government units sa buong bansa na binigyan ng pagkilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Noong nakaraang 2020 naman, sa naging ulat ng PDEA – Batangas, ipinabatid nito na patuloy ang pagtaas ng porsiyento o dami ng bilang ng mga drug-cleared barangays sa Lalawigan ng Batangas.

Taong 2021, 25 na City at Municipal ADACs ng probinsya ang nakakuha ng mataas na mga functionality points, sang-ayon sa isinagawang 2019 ADAC Performance Audit ng DILG Batangas.

Naniniwala pa rin si Gov. Mandanas na mas malaki at masama ang magiging epekto sa bawat isang mamamayan kung hindi pagtutuunan ng pansin ang problemang kinakaharap ng bansa kontra droga kung ikukumpara sa pagharap sa mga pagsubok na dala ng COVID-19.

Para sa kaniya, magandang pamamahala at tuloy-tuloy na mga programang nakatuon sa pagsugpo ng illegal drugs ang magdadala sa malusog, payapa, at ligtas na mga komunidad.

Samantala, nananawagan at hinihikayat din ng gobernador ang patuloy na kooperasyon ng bawat isa sa mga isinasagawang anti-drug campaigns ng kani-kanilang mga lokal na pamahalaan.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.