Gawad ng Pagkilala at Pasasalamat, Ipinagkaloob sa mga Tumugon nang Pumutok ang Bulkang Taal

Invitation to Bid – Admin Building
March 29, 2023
Usapin sa mga Baril ng Kapitolyo, Lisensya ng mga ito, Pinag-usapan sa SP Committee Hearing
March 29, 2023

March 29, 2023

Pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ang mga organisasyon na naging katuwang sa pagtugon sa pagputok ng Bulkang Taal noong Enero 12, 2020, kasabay ng isinagawang pagpupugay sa bandila ng Pilipinas noong Lunes, ika-27 ng Marso 2023, sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City.

Iginawad nina Governor DoDo Mandanas at Vice Governor Mark Leviste, kasama sina Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Joselito Castro at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, ang Gawad ng Pagkilala at Pasasalamat sa mga lokal at nasyunal na ahensya ng gobyerno, uniformed personnel, at LGUs.

Kabilang sa mga naparangalan ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal at Pampanga, Calabarzon – Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, Armed Forces of the Philippines Southern Luzon Command, Philippine Volcanology and Seismology, Department of Social Welfare and Development Region IV-A, Batangas Provincial Police Office, Coast Guard Auxiliary District Southern Tagalog, Office of the Provincial Fire Director, Department of the Interior and Local Government – Batangas, at Philippine Coast Guard Batangas Station.

Kinilala rin ang suportang ipinarating sa lalawigan ng Philippine Air Force Tactical Operation Wing Southern Luzon, Batangas Association & Local Disaster Risk Reduction and Management Officer’s, Department of Public Works and Highways – Batangas, Department of Education Division of Tanauan City, Batangas City, Lipa City and Province of Batangas, Philippine Red Cross – Batangas Chapter, 401st Ready Reserve Infantry Battalion, Kabalikat Civicom Association Incorporated at K-9 Batangas Club.

Ayon sa PDRRMO, ang kanilang ginawang pagkupkop, pag-aruga at pagtulong sa mga nangangailangang lumikas na mga Batangueño hanggang sa muling pagpapanumbalik ng mga kaayusan ng mga mamamayang nalantad sa panganib ay tunay na larawan ng pag ibig at pagmamalasakit sa kapwa at isang patunay ng diwa ng paglilingod na maka-Diyos, makatao, at makabansa.

Gian Marco Escamillas — Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.