Forest and Fruit Bearing Trees, Muling Ipinamahagi

Notice of Award
August 26, 2020
Tulong Pangkabuhayan sa mga Batangueño, Ipinamahagi ng PCLEDO
August 27, 2020

August 27, 2020

Muling ipinamahagi ng lalawigan, sa pamamagitan ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), katuwang ang JG Summit Petrochemicals Corporation, ang iba’t – ibang forest and fruit bearing seedlings noong ika- 26 ng Agosto, 2020 sa JG Summit Nursery, Simlong Batangas City.

Ayon sa JG Summit, layunin nito na makapagsagawa ang bawat bayan na tatangap ng mga pananim ng tree planting, makapagtanim sa mga bakanteng lupa sa kanilang lugar, makapagbigay ng maayos na pangangalaga sa mga pananim at magkaroon ng pagmomonitor sa mga halamang itatanim.

Tinanggap ng Bayan ng CALATAGAN at ng NASUGBU ang may kabuuang 1, 840 forest and fruit-bearing seedlings. Kabilang dito ang Narra-370, Caballero-365, Molave-365, Rambutan-85, Guyabano-210, Calamansi-85, Dalandan-80, Sampalok-55, Cacao-145 at Atis 45.

Sa tagubilin ni Gov. DoDo Mandanas, tuloy-tuloy ang ibat-ibang inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan na nakatuon sa serbisyo publiko. Patuloy din ang pakikipag-ugnayan sa mga pampubliko at pribadong sektor upang makapaghatid ng kaginhawaan sa mga Batangueño.

BATANGAS PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.