Evaluation ng mga Iskolar ni Gov. Mandanas para sa 2nd Semester ng Taon, Sisimulan Na

Request for Quotation – Publication of 13 pages of Appropriation Ordinance No. 013 Year 2020 Re: An Ordinance Enacting the Calendar Year 2021 for information dissemination
January 28, 2021
Municipal Ordinances na Naglilimita sa Videoke Sessions, Inayunan ng Sangguniang Panlalawigan
January 29, 2021

January 29, 2021

Halos 20,000 na mga kasalukuyang iskolar o maintainers ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang sumasailalim na ngayon sa evaluation na isinasagawa ng Scholarship Division ng Tanggapan ng Gobernador.

Sa tagubilin ni Gov. DoDo Mandanas, ang naturang evaluation ay ginawan ng schedule bawat bayan na may mga nakatalagang lugar o venue para sa nasabing aktibidad.

Isinasagawa ang evaluation ng bawat isang iskolar para makita ang katatayuan ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral, sang-ayon sa mga alituntunin ng pagkuha o pag-avail ng educational grants. Ayon kay Ginoong Cris Ramos, ang scholarship division head, may mga nakatakdang araw na ang bawat bayan na ipaaalam sa mga iskolar.

Kabilang sa mga kaukulang requirements ang Academic Year 2020-2021 2nd semester Registration / Enrolment Form na may marking Enrolled, 1st semester certified true copy of grades, at photocopy ng identification card na may tatlong lagda ng estudyante.

Bagamat may kinakaharap na pandemya, hindi ito hadlang sa pagbibigay ng serbisyo publiko sa taong bayan pero kailangan pa ring sumunod sa mga health and safety protocols, tulad ng pagsusuot ng facemask at face shield.

Grace Briones / Photos: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.