Elderly Filipino Week, Ipinagdiwang sa Lalawigan ng Batangas

Magiting Coop Awards 2023, Ginanap sa Batangas Capitol
October 27, 2023
Project Procurement Management Plan (2023) Capability Development Program Continuing 2020
October 31, 2023

October 27, 2023

Sang-ayon sa temang, “Honoring the Invaluable Legacy of Filipino Senior Citizens,” isinagawa sa Lalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at sa pakikipagtulungan ng Provincial Office of the Senior Citizens Affairs (POSCA), ang culminating activity ng Elderly Filipino Week Celebration noong ika-27 ng Oktubre 2023 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Bilang miyembro ng nakatatandang populasyon sa lalawigan, masayang nakiisa si Governor Hermilando Mandanas sa mga nakalatag na aktibidad at nagbahagi ng maikling mensahe na tumalakay sa hindi matatawarang ambag ng mga senior citizens sa paghubog sa komunidad.

Kasabay nito, nagkaroon ng isang dance competition na nilahukan ng iba’t ibang distrito kung saan itinanghal na kampeon ang bayan ng Taysan. Sinundan ito ng San Pascual sa ikalawang puwesto at Nasugbu sa ikatlong puwesto. Nakatanggap naman ng consolation prize ang mga Lungsod ng Lipa, Batangas at Tanauan.

Naghatid naman ng libreng eye check-up ang Integrated Philippine Association of Optometrists (IPAO) – Batangas Chapter upang higit pang maalagaan at mabigyan ng tamang gamot ang mga nakatatanda na may problema sa paningin.

Samantala, binigyang-rekognisyon din ang mga retiradong Senior Citizen Association (SCA) Presidents ng iba’t ibang bayan bilang pagkilala sa kanilang taus-pusong pagseserbisyo.

Naging bahagi ng programa sina Provincial Administrator Wilfredo Racelis, Acting Vice Governor at 5th District Senior Board Member (BM) Ma. Claudette Ambida, 5th District BM Arthur Blanco, 4th District BM JP Gozos, 3rd District BM at Committee on Senior Citizen Chairperson Fred Corona, Provincial Federation of Senior Citizen President Elena T. Anastacio, POSCA Head Francisca C. Mandanas at Dr. Margarito D. Hernandez na siyang tumayong pangunahing tagapagsalita.

Macvenn Ocampo & Gian Marco Escamillas, Batangas Capitol PIO / Photos by Macvenn Ocampo

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.