Pinanguluhan ni Batangas Governor Dodo Mandanas ang isinagawang joint meeting ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, Provincial Peace and Order Council, Provincial Development Council at Association of Barangay Captains kaugnay sa pagpapaunlad, seguridad at kahandaan sa kalamidad ng lalawigan noong ika-26 ng Oktubre 2017 sa PPDO Conference Hall, Capitol Compound, Batangas City. Edwin Zabarte / Karl Ambida – Batangas Capitol PIO
October 26, 2017

Ipinahayag ni Batangas Governor Dodo Mandanas sa isinagawang joint meeting ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, Provincial Peace and Order Council, Provincial Development Council at Association of Barangay Captains ang mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas kaugnay sa pagpapaunlad, seguridad at kahandaan sa kalamidad ng lalawigan.
Sa hanay ng pagpapaunlad, ibinahagi ng gobernador sa lupon ang tayang budget ng lalawigan na aabot sa halagang P3.7B para sa taong 2018.
Nakatuon ang kabuuang halaga ng budget sa mga pangunahing pangangailangan ng probinsya sa imprastraktura at higit na pagsasaayos ng katatayuan sa buhay ng pangunahing yaman ng lalawigan, ang mamamayang Batangueño.
Ilalaan sa PhP 3.7 Bilyong budget ang mga programa sa edukasyon, pagbibigay kabuhayan, at kalususgan para sa mga Batangueño.
Sa hanay ng scholarship program, bibigyang daan sa pondo ang pagtataas ng bilang ng mga scholars. Mula sa 10,000 noong 2016 – 2017, ito ay gagawing 20,000 sa susunod na taon.
Bukod sa scholarship na tatangapin ng mga mag-aaral, kabilang din sa tinalakay ang pagpapalawak ng Philhealth coverage or medical benefits ng mga volunteer workers sa lalawigan at pagbibigay pagkilala sa pamamagitan ng pagbibigay ng pension pay sa mga punong barangay, ibang mga opisyales at mga bolontaryong naglingkod sa pamayanan ng hindi bababa sa limang taon.
Nakatakda ding magtalaga ng isang kumite na binubuo ng mga opisyal ng pamahalaang panlalwigan para sa pagkakaroon ng Batangas Provincial Awards na magbibigay pugay at pagkilala sa mga natatangi at pinakamahuhusay na local government units at local chief executives.
Kabilang sa kategorya ang pagpili ng Most Outstanding Local Chief Executive at Most Outstanding City/ Municipality in terms of Governance, na pipiliin mula sa 34 bayan ng lalawigan. Nakatakdang bigyang igawad ang mga nasabing pagkilala sa darating na ika-8 ng Disyembre, kasabay ng pagdiriwang ng ika-436 na anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan. / Edwin V. Zabarte Batangas PIO