Collective Mark para sa Batangas Kapeng Barako, patuloy na tinututukan

Batangas Provincial CAT-VAWC, Migrants Council nagpulong sa Kapitolyo
May 29, 2025
Mga Tagapagtaguyod ng “Resilient Batangas”, Kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan
June 2, 2025

May 29, 2025

Ang ginagawang mga hakbang ng Lalawigan ng Batangas para sa “protection and promotion” ng Batangas Kapeng Barako ang naging tampok na agenda sa muling pagpupulong ng mga miyembro ng Provincial Technical Working Group (TWG) for Coffee ngayong araw, ika-29 ng Mayo 2025.

Kabilang sa mga naging bahaging paksa ng naturang pagtitipon, na pinangunahan ni Provincial Administrator Wilfredo Racelis, ang progress report sa naaprubahang seal o logo para sa collective mark registration ng Batangas Kapeng Barako, na ngayon ay kasalukuyan nang naka-publish sa Official Gazette at sumasailalim na sa period of opposition.

Bukod dito, ipinagpatuloy din ng samahan ang pagtalakay sa revised code of practice for coffee at pagsusulong ng isang ordinansa para sa pangangalaga at promosyon ng Batangas Kapeng Barako bilang isang collective mark.

Naging sentro naman ng TWG meeting ang susunod pang mga hakbang ng grupo kaugnay sa Geographical Indication Registration o ang pagbibigay ng “badge of authenticity” sa mga produkto mula sa isang partikular na lugar, na sumisiguro na tunay ang mga itong galing sa nasabing lugar at taglay ang mga katangiang kaugnay nito.

Ang Olive Rose Vineyard & Farm Kitchen sa Barangay Banilad sa Bayan ng Nasugbu, na pagmamay-ari ng internationally-renowned Wine Commentator, Sommelier, at Founder ng Philippine Wine Consortium na si Chef Arlene Oliveros, ang nagsilbing host-venue ng pagpupulong. Si Oliveros ay aktibo ring nakilahok at nagbahagi ng kaniyang kaalaman at expertise sa ginanap na talakayan.

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.