Dugtong Buhay Blood Letting activity sa Ibaan, Isinagawa

Lalawigan ng Batangas, Fastest Growing Economy sa CALABARZON Region noong 2021
February 3, 2023
Resolution No. 245, Provincial Ordinance No. 002 Year 2023 – ORDINANCE FOR THE ADOPTION AND IMPLEMENTATION OF BANTAY ASF SA BARANGAY “BABay ASF” PROGRAM PROVIDING POWERS THEREOF, AND FOR OTHER PURPOSES
February 13, 2023

February 10, 2023

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-191 taong anibersaryo ng Bayan ng Ibaan, ginanap ang Dugtong Buhay Blood Letting activity noong ika-9 ng Pebrero 2023 na magkakatulong na naisagawa ng Pamahalang Bayan ng Ibaan, Batangas Provincial Blood Council at Batangas Medical Center.

Umabot sa 91 bag ng dugo ang nakolekta mula sa mga empleyado ng munisipyo, barangay officials, miyembro ng iba’t ibang organisasyon at sektor, at mga volunteer donors.

Pinangunahan ang aktibidad nina Ibaan Mayor Joy Salvame, Vice Mayor Juvy Mendoza, mga konsehal ng bayan at department heads ng mga tanggapan.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Governor DoDo Mandanas sa lahat ng mga nagbigay ng dugo, na malaking tulong sa mga kababayang Batangueño na may pangangailangang medical.

Binati rin ng gobernador ang mga Ibaeño sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo ng pagkakatatag, na may temang Ibaan@191: “Taas Noo, Lahing Ibaeño.”

Ginanap din noong araw na iyon ang pagbubukas ng Ibaan Historical Wall, na nagbibigay-pugay at karangalan sa 101 na mga bayaning Ibaeño na bahagi ng Ibaan Regiment noong panahon ng Hapon na nakibaka upang matamo ng bansa ang kasarinlan.

Nakiisa rin sa pagdiriwang si Ms. Liza T. Dela Cruz, Chief of Staff ni Philippine Veterans Affairs Office Administrator, Undersecretary Reynaldo B. Mapagu.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.