Drafting of IRR ng Transport and Road Usage Code sa Batangas Province, isinagawa

Batangas Environmental, Solid Waste Management Board Meetings, ginanap sa Kapitolyo
April 29, 2019
Notice of Vacant Position
May 3, 2019

April 30, 2019

Mahigit sa 60 stakeholders ang dumalo sa isinigawang Drafting of Implementing Rules and Regulation ng Provincial Ordinance No. 008 o mas kilala bilang Batangas Transportation Usage Code noong ika-30 ng Abril 2019 na ginanap sa Provincial Planning and Development Office (PPDO) Conference Room, Capitol Compound, Batangas City.

Ang nasabing pagbabanghay at pagbibigay mungkahi ng mga alintuntunin at regulasyon, na pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pamamagitan ng Provincial Traffic Management Office na nasa ilalim ng Provincial Public Order and Safety Department, ay naglalayong mabigyan ng linaw ang pangkalahatang sitwasyon ng trapiko sa lalawigan.

Naging pangunahing tagapagsalita si 5th District Board Member Arthur Blanco, may akda ng naturang ordinansa, na nagpaalala na ang batas na ito ay lubos na makatutulong sa usapin sa trapiko na magreresulta sa maayos na takbo ng ekonomiya.

Nakiisa rin sina P/Lt. Col. Aniceto S. Malapitan, Provincial Traffic Management Officer; Mr. Benjamin B. Bausas, PPDO Head; Mr. Darwin Panganiban, Senior Transportation Regulation Officer – Land Transportation Office Region IV-A; mga Traffic Management Officers ng iba’t-ibang bayan at lungsod; mga representatives ng ilang departamento ng pamahalaang panlalawigan; at, mga ahensya na may kaugnayan sa pamamahala ng trapiko.

Naging sentro ng talakayan ang pagbabalangkas sa bawat section ng ordinansa kung saan nagkaroon ng pagkakataon ang bawat kalahok na makapagbahagi ng kanilang mga proposal para sa pagpapatatag ng batas.

Ipinaliwanag naman ni P/Lt. Col. Malapitan na bagama’t ang ordinance ay naipasa na, bukas naman umano ito sa anumang amyenda para sa epektibong pagpapatupad nito.

Ang Batangas Transportation Usage Code ay matatandaang naisabatas noong ika-4 ng Marso 2019 at sasaklaw sa provincial at national roads sa Lalawigan ng Batangas.

✎ Mark Jonathan M. Macaraig and Shelly M. Umali – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.