Dating Japan Prime Minister, Gov. DoDo Ginunita ang Kabayanihan ng mga Batangueño noong WW2

Invitation To Submit Quotation – (Small Value Procurement)
February 13, 2023
Batangas PSWDO, kinilalang “most active, most responsive” ng DSWD-CALABARZON
February 16, 2023

February 16, 2023

Magkasamang pinangunahan nina Batangas Governor DoDo Mandanas at dating Japan Prime Minister Yukio Hatoyama ang isinagawang paggunita sa kabayanihan ng mga Batangueño noong World War II sa pamamagitan ng isang Wreath-Laying Ceremony sa Lumbang Tower of Peace sa Barangay Lumbang, Lungsod ng Lipa noong ika-15 ng Pebrero 2023.

Sumisimbolo sa mga Batangueño war heroes , ang Lumbang Tower of Peace ay ipinatayo ng gobyerno ng Japan sa lugar kung saan nagganap ang ilang makasaysayang mga pangyayari sa pagitan ng mga Batangueño guerillas at sundalong Hapones noong World War II.

Sinundan ito ng pag-aalay ng bulaklak at panalangin sa Marker of the Burial Grounds, upang gunitain ang kadakilaan at kabayanihang ipinamalas ng mga Lipeño noong panahon ng pananakop ng mga Hapon.

Aktibong nakiisa sa naturang aktibidad sina 3rd District Congresswomen Ma. Theresa Collantes, Lipa City Mayor Eric Africa, Anakalusugan Representative Ray Florence Reyes, 6th District Board Member (BM) Bibong Mendoza, 3rd District BM Fred Corona, Liga ng mga Barangay President, BM Wilfredo Maliksi, dating BM Bevs Balba, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Lipa, mga opisyal ng iba’t ibang bayan sa Batangas at mga residente ng Barangay Lumbang.

Dumating si Ginoong Hatoyama, kasama ang mga miyembro ng Board of Directors ng East Asian Community Research Institute, noong araw ng Martes, ika- 14 ng Pebrero 2023, sa Ninoy Aquino International Airport, Lungsod ng Pasay, kung saan personal silang sinalubong ni Gov. Mandanas. Ang Batangas governor din ang nakatakdang manguna sa East Asian Community Research Institute na itatatag dito sa Pilipinas.

Ang pagbisita ng former Prime Minister ng Japan at Board of Directors ng nabanggit na research institute ay naglalayong mas paigtingin at isulong ang samahan, pagkakaibigan, at ang malalim na relasyon ng Pilipinas sa mga bansang nasa Silangang Asya.

Kabilang sa kasama ni Hatoyama sa pagbisita sa bansa ang kanyang maybahay na si Miyuki Hatoyama, at Mr. Shin Booho, chairperson ng Board of Korean Headquarters ng East Asian Community Research Institute.

Sa apat na araw na pamamalagi sa bansa, nakapagsagawa sila ng courtesy calls kay Executive Secretary Lucas Bersamin, Senate President Miguel Zubiri at Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Malugod namang sinalubong ang grupo nina Gov. Mandanas sa Batasang Pambansa ng mga Batangueño legislators, kabilang sina 6th District Congressman Ralph Recto, 5th District Congressman Marvey Marino, 3rd District Congresswoman Collantes, 2nd District Congresswoman Gerville Luistro, 1st District Congressman Eric Buhain at Anakalusugan Congressman Reyes.

Ornald Tabares, Jr. – Batangas Capitol PIO / Photo by JunJun De Chavez

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.