Kapit-bisig sa Batangas Province. Magkakasama ang lokal na pamahalaan, Simbahang Katolika at pribadong sector sa paglagda sa Memorandum of Agreement para sa Project BASIC o Batangueños’ Assistance and Social Involvement during Calamities noong ika-25 ng Setyembre 2018 sa St. Mary Euphrasia Parish, Kumintang Ilaya, Batangas City. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO
September 26, 2018

Nagsama-sama ang lokal na pamahalaan, kabalikat ang Simbahang Katolika at pribadong sector, nang buong pagkakaisang lagdaan ang Memorandum of Agreement para sa Project BASIC o Batangueños’ Assistance and Social Involvement during Calamities sa isang pagtitipon sa St. Mary Euphrasia Parish, Kumintang Ilaya, Batangas City noong ika-25 ng Setyembre 2018.
Hangad ng Project BASIC na mabigyan ng pagsasanay ang mga church personnel, volunteers at mga pari sa mga wastong hakbang at pagtugon sa mga oras na may emergency at disaster. Naniniwala ang mga stakeholders ng proyekto sa kahalagahan ng kasanayan at kahandaan ng komunidad upang makakilos at makatugon ng tama kapag may sunog, bagyo at iba pang kalamidad, sa harap ng mga pagbabago sa kapaligirang dulot ng climate change.
Lumagda sa MOA sina Governor Dodo Mandanas ng Provincial Government of Batangas; Batangas City Councilor Armando Lazarte, kinatawan ni Mayor Beverly Rose Dimacuha ng City Government of Batangas; Batangas City Councilor Oliver Macatangay, kinatawan ni 5th District Congressman Marvey Mariño; at Bureau of Fire Protection Batangas City Acting Fire Marshall @Insp. Eleine Evangelista, sa bahagi ng pamahalaan; Archdiocese of Lipa Archbishop Gilbert Garcera at Lipa
Archdiocesan Social Action Commission Director Rev. Father Jayson Siapco para sa Simbahan; at First Gen Corporation President and Chief Operating Officer Francis Giles Puno para sa pribadong sektor. – Vince Altar – Batangas Capitol PIO