1st Regular Assembly Meeting ng Panlalawigang Liga ng mga Barangay, Idinaos

Batangueños’ Assistance and Social Involvement during Calamities, Isinulong
September 26, 2018
2nd Batangas Convergence Congress, Idinaos
September 26, 2018

Liga ng mga Barangay sa Rich Batangas. Pinangunahan ni Board Member Wilfredo M. Maliksi (4th mula kaliwa), pangulo ng Panlalawigang Liga ng mga Barangay, ang 1st Regular Assembly Meeting kasama ang mga Board of Directors at dinaluhan ng mga Association of Barangay Captains (ABC) Presidents mula sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa probinsya, kasama si Gov. Dodo Mandanas. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

September 26, 2018

Liga ng mga Barangay sa Rich Batangas. Pinangunahan ni Board Member Wilfredo M. Maliksi (4th mula kaliwa), pangulo ng Panlalawigang Liga ng mga Barangay, ang 1st Regular Assembly Meeting kasama ang mga Board of Directors at dinaluhan ng mga Association of Barangay Captains (ABC) Presidents mula sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa probinsya, kasama si Gov. Dodo Mandanas. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

Sa layunin na mapagtibay pa ang samahan at mapalawig ang ibinibigay na serbisyo sa publiko, nagdaos ang Panlalawigang Liga ng mga Barangay sa Batangas ng kanilang 1st Regular Assembly Meeting na ginanap sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall, Capitol Compound, Batangas City noong ika-25 ng Setyembre 2018.

Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan ni Board Member Wilfredo M. Maliksi, pangulo ng Panlalawigang Liga ng mga Barangay kasama ang mga Board of Directors at dinaluhan ng mga Association of Barangay Captains (ABC) Presidents na nagmula sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa probinsya.

Naging bahagi ng meeting ang pagtalakay sa Internal Rules 2019 at Constitution and By- Laws ng Liga ng mga Barangay sa Plipinas kung saan nakasaad dito ang mga alituntunin at mga tungkuling dapat gampanan ng mga halal na opisyal na miyembro ng liga.

Binigyang daan din ang pagkilala kay BM Maliksi bilang newly elected League of Barangays Regional President (Regional IV-A CALABARZON). Masayang pinasalamatan ng bokal ang mga Barangay Captain Presidents sa kanilang pagbati at nakukuhang suporta at pagtitiwala.

Naging bahagi ng pagpupulong si Gov. Dodo Mandanas na ipinarating komendasyon kay BM Maliksi sa napakagandang ginagawa nito sa Sangguniang Panlalawigan ng Batangas. Binigyang-diin din ng gobernador na nagkakaunawaan sila sa mga programa na ang tanging hangad lamang ay mabigyang kahalagahan ang mga mamamayang Batangueño sa bawat barangay ng lalawigan.

Sa huling bahagi, sinabi ng gobernador na mayaman ang Batangas at makakaasang gagamitin sa tama ang pananalapi para sa kalusugan, kabuhayan, edukasyon at iba pang mga proyektong higit na makakaagapay sa mga kababayan.

Samantala, nagbigay naman si Ms. Jessa Mendoza, kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government – Batangas, ng mga updates patungkol sa Peace and Order at BADAC o Barangay Anti-Drug Abuse Council sa lalawigan na alinsunod sa mandato ng kasalukuyang administrasyon. – Mark Jonathan M. Macaraig and Shelly Umali – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.