Batangas Tourist Spots na Sinaraduhan Dahil sa Lindol, Bukas na Muli sa Publiko

Walang Holiday ang Paglilingkod: Tulong sa Apektado ng Lindol at mga Simbahang Nasira, Ipinamahagi
April 14, 2017
Pang. Duterte, Gov. Dodo Dumalaw sa Burol ng Batangueñong Bayani sa Bohol
April 17, 2017

April 17, 2017

Muling binuksan sa publiko ang mga dinarayong puntahan sa Lalawigan ng Batangas gaya ng Masasa Beach sa Tingloy, Mt. Maculot sa Cuenca at Basilica of Immaculate Concepcion sa Batangas City matapos itong maapektuhan ng mga paglindol noong ika-4 at 8 ng Abril taong kasalukuyan.

Matatandaan na ang mga nasabing tourist spots ay pansamantalang sinaraduhan dahil sa pinsalang idinulot ng mga lindol na umabot hanggang magnitude 5.9.

Higit na naapektuhan ng lindol ang bayan ng Tingloy na naging epicenter kung saan naramdaman ang malalakas na intensity. Dahil sa sira na naitala sa lugar, napagdesisyunang pansamantalang hindi tumanggap ng turista sa Masasa Beach para makaiwas sa sakuna ang mga nagbabakasyon dito ngunit ngayon ay maaari naang bisitahin ng beach goers.

Ilang bahagi naman ng Bundok Maculot ang gumuho matapos ang lindol na kinatakutang magdadala ng kapahamakan sa mga taga-Cuenca at sa maraming hikers na umaakyat dito. Sa kasalukuyan, bukas na muli ang bundok sa sinumang may nais mag-trek dito.

Samantala, nagkaroon ng minor damages ang Basilica ng Imaculada Concepcion. Binuksan muli ito sa publiko matapos ang pagdagsa ng mga deboto sa pagdiriwang ng Mahal na Araw.

Bagaman nasa state of calamity ang Mabini, Tingloy at Batangas City, inaasahang hindi maapektuhan ang turismo sa mga nasabing lugar at patuloy pa ring bibisitahin ang iba pang magagandang destinasyon sa Lalawigan ng Batangas.

Kristina Marie Joy B. Andal– Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.