September 26, 2023
Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang isang pagpupulong ng Provincial Solid Waste Management Board noong ika-22 ng Setyembre 2023 sa Lago de Oro, Barangay Balibago, Calatagan, Batangas.
Dinaluhan ang pagtitipon ng iba’t ibang mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan at mga katuwang na ahensya, kasama ang mga environment and natural resources officers ng mga pamahalaang lokal sa lalawigan.
Ipinabatid ni Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO) Department Head Luis Awitan na mayroon nang sanitary landfill sa lalawigan, at ang kinakailangang pagpapatayo ng mga open dumpsite sa mga bayang wala pang ganitong pasilidad.
Dumalo sa pagpupulong si Calatagan Mayor Peter Oliver M. Palacio, na ibinahagi ang mga ipinapatupad sa kanilang bayan sa larangan ng solid waste management, at ang kahalagahan nito sa turismo, na isa sa mga pangunahing kabuhayan dito.
Binigyang-diin din ni Municipal ENRO Ma. Emelyn C Custodio ang ang pagiging responsable ng bawat isa sa kanilang mga basura, ang mabuting idinudulot ng segregasyon ng mga ito sa kanilang bayan, at ang wastong pagpapatupad nito sa mga resorts at barangay.
Nagpakita naman ng ilang pamamaraan ang Tetrapack Philippines at Sentinel Upcyling Technologies para makolekta at maisaayos ang mga basurang maaari pang i-recycle at gamiting muli upang mapakinabangan pa.
Batangas PIO Capitol