Batangas Provincial Jail: Covid-19 Free na Muli

Kasunduan para sa Pabahay ng mga Batangueño, Nilagdaan ni Gov. Mandanas at Social Housing Finance Corp.
September 11, 2020
Lungsod ng Santo Tomas, Isang Taon nang Siyudad
September 11, 2020

September 11, 2020

“Covid-19 free na ulit ang Batangas Provincial Jail (BPJ).”

Ito ang masayang pahayag ni Batangas Provincial Warden Atty.Genaro Cabral, sa panayam sa B’yaheng Kapitolyo, ang official radio program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas noong ika-8 ng Setyembre 2020.

Ibinahagi ni Atty. Cabral na nagpositibo siya sa COVID-19 virus noong ika-4 ng Agosto 2020, kasama ang limang tauhan ng piitan at anim na Persons Deprived of Liberty o PDL, na maaaring bunga umano ng pagluluwag ng quarantine protocols na ipinatutupad ng gobyerno.

Naging symptomatic si Atty. Cabral at nakararanas ng pag-ubo at hirap sa paghinga. Subalit matapang niyang hinarap ang pagsubok, kasabay ng patuloy na pagtupad ng kanyang tungkulin, habang siya ay nasa isolation, upang masigurong maayos ang takbo ng BPJ at ligtas, hindi lamang ang mga personnel, kundi maging ang mahigit 1,200 na PDL sa panlalawigang piitan.

Kaagad umano niyang iniutos ang isolation at quarantine ng mga nagpositibo at mas pinaigting ang mga pag-iingat at pagsunod sa mga pinaiiral na alituntunin. Itinagubilin din umano niya ang pag-eehersisyo ng lahat at pagpapa-araw tuwing umaga.

Binanggit din ni Atty.Cabral na sa tulong ng Panginoon at suporta ni Governor Dodo Mandanas, kabiyak nitong si Atty. Gina Reyes Mandanas at Provincial Health Officer, Dra. Rosvelinda Ozaeta, mabilis siyang gumaling sa naturang sakit.

JUN MAGNAYE – BATANGAS CAPITOL PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.