Batangas Province Local Energy Plan Patuloy na Binabalangkas, Inaasahang Matatapos bago Matapos ang Taon

Balayan Pride, Wagi Muli sa International Math at Science Contests
August 8, 2023
Supplemental Bid No. 1 (Notice of Postponement of Bids) Infra Projects
August 8, 2023

August 8, 2023

Taong 2040 sa Batangas: renewable energy sources, tulad ng wind, hydro at solar power, ang pinagkukunan ng 50% ng kuryente, at electric vehicles, gamit ang makabago at episyenteng teknolohiya, ang 10% ng mga sasakyan sa daan.

Ganito ang inaasahang energy scenario ng Pilipinas sa taong 2040 kapag naisakatuparan ang Philippine Energy Plan (PEP) 2020-2040, na isinusulong ng Department of Energy.

Kaugnay nito ang isinagawang Workshop on Developing the Local Energy Plan (LEP) of the Province of Batangas, sa pangunguna ng USAID Energy Secure Philippines (USAID ESP) at Philippine League of Local Environment and Natural Resources Office, Inc., at sa pamamagitan ng Provincial Planning and Development Office (PPDO), sa Solano Hotel sa Lungsod ng Lipa noong ika-3 at 4 ng Agosto 2023.

Dinaluhan ng iba’t ibang mga kaakibat na tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, at mga partners at stakeholders, kabilang ang mga electric distribution utilities sa probinsya, mahalagang hakbang ito para makumpleto ang kinakailangang mga datos para maayos na mabuo ang panlalawigang energy plan, na inaasahang magiging “long-term roadmap” para maiayon at mai-focus ang mga pagsisikap at pagkilos ng lahat patungo sa natukoy na energy vision.

Ayon kay Ginoong Danilo Villas, Project Manager ng USAID ESP – PLLENRO, ang ikalawang workshop na ito para sa Lalawigan ng Batangas ay malaking bahagi “..in filling out the data gaps..” para mabuo ang initial draft ng plano hanggang Oktubre ngayong taon, at matapos ang LEP bago ang unang linggo ng Disyembre 2023.

Malaking bahagi ng dalawang araw na planning workshop ang isinagawang sama-samang pagsagot at pagbuo sa mga tables at matrixes na may kinalaman sa Alternative Fuels and Emerging Energy Technologies, and Downstream Facilities; Power Electrification and Energy Infrastructure Development; Energy Resource Development, and Energy Efficiency and Conservation; at, Other Natural Disasters, Man-Made Disasters, and Climate Change Adaptation and Mitigation. Dito naging gabay at facilitator si Engr. Isabelo Rabuya, Energy Specialist ng USAID ESP at professor sa University of San Carlos sa Cebu.

Bagaman at hindi pa rin nakumpleto lahat ng kainakailangang datos at impormasyon sa naganap na pagtitipon, malaking bahagi ng Provincial Government of Batangas Local Energy Plan (PGB LEP) draft ang nasakop at natugunan nito, ayon na rin kina Engr. Rabuya at Ginoong Villas.

Sa kanyang mensahe sa pagtitipon, binigyang-diin ni Provincial Administrator Wilfredo Racelis, na kumatawan kay Gov. DoDo Mandanas, na malaki ang papel ng mabubuong LEP ng lalawigan sa pagtugon sa lumalaking kakailanganing energy requirements ng patuloy na lumalagong ekonomiya ng Batangas. Sa pagharap sa mga nasabing hamon, “it is imperative that we take advantage of these 2 days,” dagdag pa ni Ginoong Racelis, na siya ring tumatayong In-Charge sa kasalukuyan ng PPDO.

Nakaangkla sa Republic Act 11285 o Energy Efficiency and Conservation Act ang isinasagawang Local Energy Plan, sang-ayon sa PEP, tungo sa pagkakaroon ng energy security gamit ang sustainable energy, at resilient communities, na may mga smart at green homes at climate proof at energy efficient infrastructures.

Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.