September 8, 2023
Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa ginanap na Regional Alliance Building sa Development Academy of the Philippines (DAP), Tagaytay City, Cavite noong Setyembre 6-7, 2023.
Kabilang ang mga pamahalaang panlalawigan, pamahalaang panlungsod at regional line agencies ng CALABARZON sa ginanap na programa, kung saan naglatag ang mga local government units (LGUs) ng kanilang “high-impact projects” na maaaring pagtulungan ng mga ahensya at LGUs upang makamit ang iisang layuning pag-unlad ng rehiyon.
Inirepresenta ni G. Wilfredo D. Racelis, Provincial Administrator at In-charge of Provincial Planning and Development Office (PPDO), si Gobernador DoDo Mandanas sa nasabing gawain.
Ilan sa mga proyektong inilahad ng lalawigan para sa pinagsama-samang pagsisikap at binuong alyansa ang Provincial Medical Center in Tuy, Batangas; Replacement of Maturing and Senile Coconut Trees in San Juan; Sea Salt Production; Artificial Insemination Facilityl Animal Shelter and Quarantine Facility; Affordable Housing; ICT Project at Cultural Heritage Preservation.
Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon sina Provincial Agriculturist, Dr. Rodrigo Bautisa, Jr.; Provincial Veterinarian, Dr. Romelito Marasigan; Provincial Tourism and Cultural Affairs Assistant Department Head, Ms. Jaida Castillo; at PPDO Assistant Department Head, Ms. Marisa Mendoza.
MeAn Maldonado – PPDO / Batangas Capitol PIO