Batangas Bantay Dagat Network Binigyang Rekognisyon sa 2017 Para El Mar Marine Protected Area Awards

Public Auction of Tax Delinquent Real Properties
October 20, 2017
Civil Society Organizations Kabilang na sa Batangas PDRRMC
October 26, 2017

October 25, 2017

Isa  ang Batangas sa binigyang rekognisyon sa  isinagawang  2017 Para el MAR  Marine Protected Area Awards  and Recognition  Ceremony sa Iloilo Convention Center noong ika-21 ng Oktubre  ng taong kasalukyan.

Ang Para el Mar o For The Sea awards ay isang nationwide selection process na pinangungunahan ng Marine Protected Area Networks  sa bansa  at naglalayong bigyang pagkilala ang pinaka epektibo at  mahusay na pinangangalagaang  Marine Protected Areas sa Pilipinas.

Ang biennial event ay kumikilala din sa mga indibidwal na ang local management ng Marine Protected Areas sa kanilang mga nasasakupan ay nagpapakita ng mahusay na sariling pamamaraan ng pamamahala.

Para sa taong 2017, ang Batangas Marine Protected Area Networks at ang Law Enforcement Network partners nito na Bantay Dagat, ay isa sa mga binigyang pagkilala ng Para El Mar sa exemplary performance ng mga ito sa patuloy na pangangalaga at pagbibigay proteksyon sa  yamang dagat ng  lalawigan.

Binigyang  pansin din ang  ginawa ng mga MPA Networks sa  pinalakas na pamamahala ng mga ito upang  mapabilis ang mga benipisyong makukuha ng kumunidad mula sa mabuting pamamahala ng mga yamang dagat  at kapaligiran nito.

Noong taong 2013 at 2015, ang Batangas Provincial Government – Environment  and Natural Resources  Office ay kinilala na rin ng Para el MAR na may  Most Outstanding  Marine Protected Areas and Marine Law Enforcement Network o Bantay Dagat Network  sa Pilipinas.  / Edwin V. Zabarte Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.