2025 Provincial Women’s Month Celebration, ginanap sa Batangas Capitol

Batangas Capitol, kinilala sa 1st Gawad Bayanihan sa Pamumuhunan ng DTI-BOI
March 14, 2025
Pagpirma ng MOA, oryentasyon para sa Multi-Purpose Rescue Vehicles isinagawa
March 18, 2025

March 14, 2025

Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang 2025 Provincial Women’s Month Celebration ngayong araw, ika-14 ng Marso 2025, sa RRM DREAM Zone, Capitol Site, Batangas City bilang bahagi ng pakikiisa ng lalawigan sa pagdiriwang ng bansa ngayong taon sa Buwan ng Kababaihan. Ito ay mula sa gabay ng temang “Babae sa lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”

Ang naturang selebrayson ay naisakatuparan sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni Officer-in-Charge (OIC), Ms. Adelia M. Macaraig, katuwang ang Provincial Women Coordinating Council Batangas, Inc. (PWCCBI) at Provincial Women with Disability Federation.

Layunin ng selebrasyon na kilalanin at ipagdiwang ang tagumpay, tapang, at kagitingan ng kababaihan sa iba’t ibang sektor, at magbibigay-diin sa pagkakaisa, pantay-pantay na karapatan, kontribusyon, at oportunidad ng mga babae sa Lalawigan ng Batangas.

Dumalo sa naturang selebrasyon si Governor Hermilando Mandanas na nagpabatid ng kaniyang suporta at hindi matatawarang paghanga sa kababaihan sa loob at labas ng lalawigan. Dito ay nakasama niya ang kaniyang butihing maybahay na si Atty. Angelica Chua-Mandanas.

Nagsimula ang programa sa isang “On the Spot Dance Exercise,” na nilahukan ng mga kalahok mula sa iba’t ibang distrito ng lalawigan. Ang 5th District ng Batangas ang itinanghal bilang kampeon sa paligsahan at tumanggap ng Certificate of Recognition at cash prize.

Sinundan naman ito ng Banal na Misa at programa na sinimulan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mensahe ni PWCCBI President at Agoncillo Mayor, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, na taos-pusong nagpasalamat sa suportang ibinibigay ng pamahalaang panlalawigan sa mga programa na nakatuon para sa kababaihan. Bukod dito, binigyan din ng pakilala ang 12 Notable Batangueña Awardees na nagpamalas ng galing sa iba’t ibang larangan.

Nagkaroon din ng pagpupulong patungkol sa “Stocktaking Wins and Challenges of Magna Carta of Women,” na binigyang-linaw ni National Economic and Development Authority (NEDA) IV-A OIC Assistant Regional Director, Ms. Lovely Mores. Nagtapos naman ang selebrasyon sa pag-anunsyo ng Launching for Most Functional Barangay Violence Against Women (VAW) Desk at Outstanding VAW Desk Officer.

Samantala, nakiisa rin sa pagtitipon si Vice Governor Mark Leviste at ilan sa mga Sangguniang Panlalawigan Board Members (BM) na sina 5th District Senior BM Claudette Ambida-Alday, 5th District BM Bart Blanco, at 3rd District BM Fred Corona, kasama ang iba pang mga partisipante, kabilang ang mga City at Municipal Social Workers at mga kinatawan mula sa ilang government at civic organizations sa probinsya.

Almira Elaine Baler / 📸 Maccvenn Ocampo | BATANGAS PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.