Pagpirma ng MOA, oryentasyon para sa Multi-Purpose Rescue Vehicles isinagawa

2025 Provincial Women’s Month Celebration, ginanap sa Batangas Capitol
March 14, 2025
Renewable Energy, Investment Opportunities, Conservation Tinalakay sa Batangas Energy Summit 2025
March 21, 2025

March 18, 2025

Sa patuloy na pagpapalakas ng kapasidad ng mga barangay sa lalawigan, nilagdaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at mga kinatawan ng mga barangay ang Memorandum of Assignment (MOA) noong ika-14 ng Marso 2025 para sa dagdag na mga Multi-Purpose Rescue Vehicles (MRV) na ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City.

Lumagda para sa Kapitolyo si Governor Hermilando I. Mandanas, kasama ang mga barangay captains at treasurers ng 63 na mga barangay, na makatatanggap ng nasabing MRVs na inaasahang magbibigay ng mahalagang serbisyo at suporta, hindi lamang sa panahon ng sakuna, maging sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga komunidad.

Sa mensahe ng gobernador, marapat lamang aniya na matugunan ang mga pangangailangan ng mga barangay dahil sila ang mga nangunguna pagdating sa pagtulong at pagbalikat ng mga suliranin.
Naging kabahagi rin sa aktibidad ang Provincial Legal office upang tiyakin ang pagpapaganap ng pag-notaryo at pagiging legal ng mga dokumento.

Kasabay rito, ginanap ang oryentasyon patungkol sa wastong paggamit ng MRVs, sa pangunguna ng Provincial Assistance for Community, Public Employment, and Youth & Sports Development Office (PACPEYSDO). Ipinaliwanag ng PACPEYSDO sa mga tatanggap ng MRV ang LTO Rules and Regulations, Importance and Proper Use of Mobile Radios sa NTC, at Insurance Policies para sa GSIS.

Nagbahagi naman tungkol sa salient information pagdating sa Medical Equipment sa panahon ng kalamidad, sakuna, at emergency ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Safe Driving and Proper Maintenance of MRV ang General Services Office (GSO), at Warranty and Technical Features ng MRV ang kinatawan ng HINO.

Isinagawa ito upang tiyakin ang maayos na paggamit ng sasakyan, at mapanatili ang maayos na kondisyon nito. Kasama na rin sa pinagtalakayan ang kung saan ang mga MRV maaaring gamitin upang mas epektibong mapakinabangan ang mga ito sa mga pagdadalhang barangay.

Kasamang dumalo at nakibahagi sa nasabing pagtitipon sina Vice Governor Mark Leviste; 3rd District Board Member Fred Corona; Provincial GSO, Dr. Paulette Maneja; PDRRM Officer, Dr. Amor Banuelos-Calayan; PACPEYSDO Head Vinda Mendoza; Provincial Legal Officer, Atty. Cristino Judit; Atty. Angelica Chua – Mandanas; at mga opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan.

Kristal Cabello / Froilan Salcedo Jr.| BATANGAS PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.