2023 SGLG post-assessment, paghahanda sa 2024 edition isinagawa ng Batangas Capitol

Supplemental Bid No. 1 for Project D-016 ( Purchase of 900 units of Laptop Computer to be distributed to teachers for Public Elementary Schools in the Division of Batangas)
March 21, 2024
2024 Regional, Provincial Women’s Month Celebration, isinagawa sa Lalawigan ng Batangas
March 22, 2024

March 22, 2024

Nagtipon-tipon ang mga tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas para sa 2023 Seal of Good Local Governance (SGLG) Utilization Conference at Orientation para sa paparating na 2024 SGLG assessment sa Provincial Planning and Development Office (PPDO) Conference Room sa Kapitolyo, Lungsod ng Batangas kahapon, ika-21 ng Marso 2024.

Pinangunahan ang pagtitipon ng PPDO, katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) – Batangas Province, kung saan ibinahagi ang post-assessment ng 2023 SGLG na nakapaloob sa Governance Assessment Report (GAR), ang opisyal na ulat ng DILG Central Office.

Sa nasabing 2023 report, na pormal na ibinahagi ni Local Government Operations Officer V Judith Faye Torres ng DILG Batangas, nakapasa ang lalawigan sa 6 sa 10 governance areas ng SGLG, kabilang ang Disaster Preparedness; Health Compliance; Business Friendly and Competitiveness; Environmental Management; Tourism, Heritage Development, Culture and the Arts; at Youth Development.

Samantala, kinapos ang pamahalaang panlalawigan sa larangan ng Financial Administration, Social Protection, Sustainable Education, at Safety Peace and Order. Sa kabila nito, napagtalakayan naman na sa mga governance areas na ito, kinulang lamang ang Kapitolyo sa ilang mga pamantayan, na napag-usapang mas pagsisikapang maabot na para sa parating na pagsusuri.

Nakatakdang isagawa ang 2024 Regional Assessment sa ikatlong linggo ng Mayo hanggang sa unang linggo ng Hunyo ngayong taon. Kaya naman hinamon ni DILG Batangas Provincial Director Allan Benitez ang pamahalaang panlalawigan na ibigay ang “best effort” para makapasa sa darating na pagtatasa, ipagpatuloy ang mga maganda nang ginagawa at lalo pang itaas ang pagsisikap para sa mga hindi naipasang bahagi ng taunang pagsusuri.

Sa ngalan ni Gov. DoDo Mandanas, nagpasalamat naman si Provincial Administrator Willie Racelis sa DILG Batangas Province, at binigyang-diin ang patuloy na tumitibay na pagtutulungan ng Kapitolyo at DILG. Sinabi rin nitong pagsisikapan ng lahat ng tanggapan ng pamahalaang panlalawigan na magawa ang mga dapat maisakatuparan para sa isasagawang regional assessment.
Nakiisa sa pagpupulong ng SGLG, na layuning kilalanin at bigyang parangal ang katapatan at kahusayan ng mga pamahalaang lokal sa larangan ng serbisyo publiko, ang iba’t ibang opisina ng Kapitolyo, kasama ang Philippine National Police Batangas.

V. Altar – Batangas PIO Capitol

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.