1st Quarter Joint Meetings ng ilang mga Provincial Councils ng Batangas, Idinaos sa Kapitolyo

Notice of Vacant Positions
March 7, 2023
World Seagrass Day, Ipinagdiriwang Tuwing Marso 1
March 9, 2023

March 8, 2023

Muling binuksan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas para sa taong 2023 ang makabuluhang talakayan para sa isinasagawang quarterly Joint Full Council Meeting ng Provincial Development Council (PDC), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), Provincial Peace and Order Council (PPOC), at Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) ngayong araw, ika-7 ng Marso sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Para sa unang quarter ng taon, kabilang sa mga tinalakay ng PDC ang pagpresenta ng nabuong draft ordinance ng Local Energy Code ng Lalawigan ng Batangas, pagbibigay-kabatiran para sa Philippine Rural Development Project Scale-Up ng Department of Agriculture, pag-update sa Provincial Commodity Investment Plan 2021-2023, pag-endorso sa Sangguniang Panlalawigan ng Provincial Development Investment Program 2023-2028, at iba pang mga proyektong pang-imprastraktura.

Ibinahagi naman sa hanay ng PDRRMC ang updates at ginagawang tuloy-tuloy na pag-aksyon ng pamahalaang panlalawigan pagdating sa usapin ng Avian Influenza at Crown of Thorns removal and extraction.

Sentro pa rin ng PPOC ang pagtalakay sa kasalukuyang estado ng peace and security sa lalawigan na iniulat ng Batangas Provincial Police Office, gayundin ang pagbibigay-ulat ng Department of the Interior and Local Government – Batangas ng patungkol sa mga nakalatag na proyekto ngayong taon para sa Support to the Barangay Development Program.

Samantala, isa naman sa mga binigyang-pansin sa naging talakayan ng PADAC ang Balay Silangan Program, na isang national reformation program ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Pinangunahan ni Provincial Administrator Wilfredo Racelis ang mga isinagawang pagpupulong para sa apat na konseho, at tumayong temporary Presiding Officer at kinatawan ni Governor DoDo Mandanas. Dinaluhan ang idinaos na full council meetings ng ilang mga local chief executives mula sa mga bayan ng Batangas, ilang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, at mga kinatawan mula sa bawat distrito ng probinsya, lokal na pamahalaan, national agencies, civil society organizations, sektor ng academe, at iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang panlalawigan.

Mark Jonathan Macaraig – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.