18-Day Campaign to End VAW, Sinimulan na sa Lalawigan ng Batangas

Invitation to Bid December 20, 2022 (Goods and Infra)
November 23, 2022
Notice of Award – Purchase of 66,665 family food packs (grocery packs) – 5 kilos Sinandomeng rice, 2 tins Corned Beef 150g, 2 tins Flavored Tuna 155g, 2 tins Luncheon Meat 165g, 1 pack Champorado 113g, 8 pcs Cereal 30g, ecobag with print for distribution to low income families affected by COVID-19 and relief assistance for indigent individuals as augmentation for their daily sustenance
December 6, 2022

November 25, 2022

Nakiisa si Governor DoDo Mandanas sa kick-off ceremony ng pagsisimula ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) ngayong araw, ika-25 ng Nobyembre 2022, sa SM City Batangas. Pinangasiwaan ng Provincial Social Welfare and Development Office ang naturang programa, kasama ang iba’t ibang kinatawan at miyembro ng ilang mga organisasyon, samahan, at ahensya na nagsusulong upang labanan ang karahasan at pang-aabuso sa kababaihan. Ang pagtitipon ay kinatampukan ng ilang mga aktibidad tulad ng Walk a Mile in Her Shoe, Forum patungkol sa VAW-DESK at Gender-Based Violence, at Orange Exhibi. Nagsilbing panauhing pandangal naman si Department of Social Welfare and Development Assistant Secretary Rommel Lopez. Buong suporta ring nakiisa sa kick-off ceremony sina Sangguniang Panlalawigan Committee on Women and Family Chairperson at 1st District Board Member Armie Bausas, at 5th District Senior Board Member Claudette Ambida.

Pormal nang pinasimulan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), ang pakikiisa ng lalawigan sa adbokasiyang 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) ngayong araw, ika-25 ng Nobyembre 2022, sa SM City Batangas.

Tampok ang temang “United for A VAW-Free Philippines,” ang naturang kick-off ceremony ay dinaluhan ng mga opisyal at miyembro ng Provincial Women Coordinating Council, Samahang Batangueña para sa Kaunlaran Inc., Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities – Batangas, at Provincial Association of Men Opposed to Violence Everywhere (Batangas MOVE) – Alliance of All Sectors Against All forms of Gender-Based Violence.

Nakiisa rin sa pagsisimula ng kampanya ang mga tinaguriang Lady Mayors mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa probinsya, Municipal and City Social Welfare and Development Officers, Barangay VAWC Desk Officers, Gender and Development (GAD) Council Members, Child Development Workers, at mga kinatawan mula sa Kapitolyo, Batangas Police Provincial Office, at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Ginanap sa nasabing pagtitipon ang “Walk a Mile in Her Shoe,” kung saan ang mga representante na kalalakihan ay simbolikong maglalakad habang suot ang mga pambabaeng sapatos. Kumikilala ito sa sakripisyo ng kababaihan at pagtataguyod ng kanilang kapakanan at karapatan.

Bukod dito, isinagawa rin ang isang forum na tumalakay sa mga usapin sa pagpapatakbo ng mga VAW desks sa lalawigan. Nagsilbing resource speaker dito si Atty. Donna Christine Banuelos, na isang focal point member ng GAD at Business Development/Marketing Specialist.

Nagbigay rin ng kani-kanilang pagsuporta sina Department of Social Welfare and Development Assistant Secretary Rommel Lopez, Batangas Governor Hermilando “DoDo” Mandanas, Sangguniang Panlalawigan Committee on Women and Family Chairperson at 1st District Board Member Armie Bausas, at 5th District Senior Board Member Claudette Ambida.

Sa ibinahaging mensahe ni Gov. Mandanas, sumentro ito sa paksa ng equity at pagkilala o pagtingin sa karapatan ng kababaihan. Dito ay ipinunto niya ang pagbibigay-halaga at pagsasapuso sa ibinabahaging papel at ambag ng mga babae sa lipunan, at ang importansya ng pagiging magkatuwang ng kalalakihan at kababaihan para sa pangkalahatang kabutihan o ikauunlad, hindi lamang ng lalawigan, kung hindi pati na rin ng buong bansa. Patunay aniya rito, bilang halimbawa, ay ang ilang mga namumuno sa Batangas ay karamihan ay mga babae.

Ipinaalala naman ni Asst. Sec. Lopez sa mga dumalo na ang karahasan ngayon na nararanasan ay kadalasang nagmumula na sa online, kung kaya’t hinikayat niya ang mga namumuno sa lalawigan na maging mapagmatyag at bigyang-pansin ang pagtutok sa mga pang-aabuso na nagsisimula sa internet at social media.

Sa pamamagitan ng kulay kahel, bilang simbolong kulay ng adbokasiya, naging bahagi rin ng kabuuang idinaos na programa ang isang Orange Exhibit na tanda ng pagpapahalaga sa tuloy-tuloy na pagbibigay-kamalayan sa publiko upang maisakatuparan ang layunin na maging VAW-free ang bansa.

Samantala, ang kampanya upang labanan ang pang-aabuso at karahasan sa kakabaihan ay tatagal hanggang ika-12 ng Disyembre, kung saan inaasahan pa ang ilang mga nakatakdang aktibidad kaugnay sa obserbasyon ng 18-day campaign.

Edwin Zabarte – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.