Traces ng Oil Spill ng Lumubog na MT Princess Empress, Wala Na

Invitation to Bid – GOODS (September 6, 2023)
August 30, 2023
Breathtaking Verde Island Passage, Itinampok ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa 34th Philippine Travel Mart
September 4, 2023

September 4, 2023


Final Survey, Inspection Ikinakasa para Opisyal na Maisara ang Oil Spill Response

Nag-ulat ang Philippine Coast Guard (PCG) Batangas kay Governor DoDo Mandanas kaugnay sa naging kaganapan na oil spill ng lumubog na MT Princess Empress sa karagatang sakop ng Naujan,Oriental Mindoro, at ang naging mga pagtugon ng kanilang ahensya dito.

Ayon kay PCG Batangas Commander, Captain Victorino Acosta IV, sa naging pagpupulong na ginanap sa Kapitolyo ngayong araw, ika-31 ng Agosto 2023, wala ng bakas ng oil spill, partikular sa pitong barangay ng Isla Verde Island ng Batangas City at Bayan ng Tingloy.

Ibinahagi niya ang naging maagap at sama-samang pagtutulungan ng iba’t-ibang ahensya at pribadong sektor upang mabigyan ng solusyon ang pagkalat pa ng langis na posibleng makasira sa kalikasan at marine bio-diversity ng lalawigan.

Kasama sina Provincial Administrator Wilfredo Racelis, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Head, Dr.Amor Calayan, Batangas City DRRMO Chief Rod De la Roca, at mga kinatawan ng iba’t-ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, napagkasunduan ang pagkakaroon ng final survey, ocular inspection at water quality sampling upang ganap ng maideklara ang termination at demobilization ng oil spill response.

Kaugnay nito, agad na iminungkahi ni Governor Mandanas na dapat mapasalamatan at mabigyang pagkilala ang lahat ng naging katuwang ng pamahalaang panlalawigan at PCG Batangas upang matugunan ang naging trahedya sa karagatan.

Ang nasabing oil spill ay nakaapekto sa mga karagatang sakop ng mga lalawigan ng Antique, Oriental Mindoro, Palawan at Batangas.

Jhun Magnaye – Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.