Drug – Free Batangas Province. Kabilang ang Philippine National Police - Batangas Province sa mga ahensya ng pamahalaan na nakiisa sa Simultaneous National Anti-Drug Abuse Observance Month Motorcade, na pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na umarangkada sa Batangas City noong ika-29 ng Nobyembre 2018. Photo: Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO
November 30, 2018
Drug – Free Batangas Province. Kabilang ang Philippine National Police – Batangas Province sa mga ahensya ng pamahalaan na nakiisa sa Simultaneous National Anti-Drug Abuse Observance Month Motorcade, na pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na umarangkada sa Batangas City noong ika-29 ng Nobyembre 2018. Photo: Junjun De Chavez – Batangas Capitol PIO
Bilang pagpapatunay ng sinseridad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamumuno ni Governor Dodo Mandanas, sa kampanyang maging ligtas ang Lalawigan ng Batangas sa ipinagbabawal na gamot at masamang epekto nito, nakiisa ang Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) sa isinagawang Simultaneous National Anti-Drug Abuse Observance Month Motorcade na umikot sa Batangas City noong ika-29 ng Nobyembre 2018.
Sa pangunguna ng Provincial Assistance for Community Development (PACD) Office, naisagawa nang maayos ang kampanya ng grupo na mas maipabatid sa madla ang kahalagahan ng kaalaman laban sa ipinagbabawal na droga. Kabalikat sa nasabing adhikain ang Batangas Provincial Police Office, sa pangunguna ni Batangas Provincial Director Atty. Edwin Quilates, Department of the Interior and Local Government (DILG), iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang panlalawigan at ilang Non-Government Organizations (NGOs) na sumusuporta sa information education campaign ng proyektong ito.
Sa isinagawang Joint Meeting ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) at PADAC noong ika-27 ng Nobyembre 2018 sa Kapitolyo ng Batangas, inaprubahan na ng PADAC ang apat (4) na taong plano nito na magiging giya ng lahat ng kasapi para sa kanilang sama-samang pagkilos tungo sa isang Drug-Free Batangas sa taong 2025. JJB Pascua – Batangas Capitol PIO