Lodlod National High School, Wagi sa CALABARZON Tanghalang Pangmamimili 2018

Simultaneous National Anti-Drug Abuse Observance Month Motorcade, Umarangkada sa Batangas City
November 30, 2018
Panlalawigang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan, Magsasagawa ng Fundraising Concert
December 3, 2018

December 3, 2018

Itinanghal ang Lodlod Integrated National High School ng Lungsod ng Lipa, Batangas na kampeon sa CALABARZON Regional Tanghalang Pangmamimili 2018 na isinagawa sa Batangas Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City noong Nobyembre 29, 2018.

Ang Regional Tanghalang Pangmamimili, sa pangunguna ng Department of Trade and Industry, ay taunang paligsahang isinasagawa sa pamamagitan ng pagpapalabas ng isang skit o stage play ng mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang paaralan na idinesenyo upang maitaas ang kamalayan ng mga tao sa CALABARZON patungkol sa consumerism o makapagbahagi ng consumer education and information.

Nagwagi ang mga Batangueñong mag-aaral ng premyong nagkakahalaga ng PhP25,000 at plaque matapos maungusan ang Lead School for the Arts ng Lalawigan ng Rizal, na nagkamit ng ikalawang

puwesto, PhP20,000 at plaque; at San Jose National High School ng Lalawigan ng Laguna, na nakuha ang ikatlong puwesto, PhP15,000 at plaque. Kapwa ginawaran naman ng PhP10,000 at plaque ang Congressional Integrated High School ng Lalawigan ng Cavite at Maryhill College ng Lucena City sa Lalawigan ng Quezon.

Ang patimpalak, na itinanghal sa pagtutulungan ng Department of Trade and Industry-Region IV-A, na pinamumunuan ni Regional Director Marilou Q. Toledo, Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at Department of Education, ay sang-ayon sa temang “Making Digital Marketplaces Fairer.”

Matapos ang tig-20 minutong pagpapamalas ng kani-kanilang angking talino at husay sa pag-arte, bukod sa pagiging kampeon, nangibabaw din ang galing at dedikasyon ng Lodlod Integrated National High School upang makuha ang Best Script, Best Choreography, at Best Cheering Team awards. Samantala, kinilala ang mga indibidwal na husay nina Jose Enrique Soriano ng LodLod INHS bilang Best Male Performer; Shiela Mae Flores ng Congressional IHS bilang Best Female Performer; at, Mr. Arlan Mendoza ng Lodlod INHS bilang Best Director. ✎ Junjun Hara De Chavez, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.