Salt Iodization Program sa Lalawigan ng Batangas mas Palalakasin

APCPI of the Provincial Government of Batangas for CY 2022
February 27, 2023
CAPDEV PPMP
March 6, 2023

March 3, 2023

Muling isinagawa ng Batangas Provincial Bantay Asin Task Force (PBATF) ang pangkalahatang pagpupulong ng mga miyembrong ahensya at tanggapan para sa taong 2023 noong ika-3 ng Marso 2023 sa Provincial Health Office Conference Room, Batangas City.

Sa nasabing pagtitipon, inilatag muli ng Provincial Health Office, sa pamamagitan ng Nutrition Development Division, ang mga naipaganap nitong mga programa simula noong taong 2015, nang inilunsad ang iodization monitoring program nito para sa mga stakeholders ng salt industry sa Lalawigan ng Batangas.
Para sa kasalukuyang taon, nakalatag sa PBATF program ang malawakang pakikipag-ugnayan sa mga malalaking pagawaan ng asin na nagsusuplay sa merkado, kasama ang industriya ng bagoong at patis na nakabase sa probinsya.

Kasama rin sa agenda ang retooling at pagkakaroon ng mga bagong WYD Iodine Checker, ang gadget o kagamitan na sumusukat sa antas ng iodine sa asin, na sisiguro na walang makakapasok na asin sa lalawigan na hindi sapat ang iodine levels. Bukod dito, tampok din sa programa ang pagpapalakas pa sa ginagawang monitoring at iodine testing sa mga merkado upang matiyak na may sapat na iodine ang mga asin na ibinebenta sa mga konsyumer.

Sa kaniyang mensahe, pinasalamatan ni Regional Nutrition Program Coordinator- National Nutrition Council (NNC) Chairperson Carina Z. Santiago ang Batangas PBATF sa patuloy na aktibidad at programa nito sa pagpapalakas ng Iodization Program sa Batangas, lalo’t higit na ang Batangas ay kilala bilang pinaka-aktibong lalawigan sa CALABARZON na nagpapatupad ng salt iodization program.

Samantala, ibinahagi rin ng CALABARZON NNC ang naging resulta ng 234 na salt testings mula sa iba’t ibang lugar sa rehiyon, na nagpapakita ng ilang pagtaas ng mga bilang ng mga salt samples na may iodine sa mga merkado sa rehiyon sa kabila ng patuloy pa rin umano na pagbebenta ng mga non-iodine salt sa mga konsyumer.

Dagdag pa rito, isinagawa rin ng PBATF ang ocular inspection sa planta ng isa sa mga top salt producing company sa lalawigan, gayundin ang pakikipag-ugnayan nito sa mga opisyal ng salt industry players ng lalawigan upang mapalakas pa ang pakikipagtulungan ng mga ito para sa mas pinalawig na salt iodization program.

Kasamang dumalo sa pagpupulong at inspeksyon ang mga kinatawan ng Pamahalaang Panlalawian ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Health Office, na pinamumunuan ni Dr. Rosvilinda Ozaeta; mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, na kinabibilangan nina 2nd District Board Member (BM) Arlene Magboo, 5th District Senior BM Claudette Ambida, at Batangas Liga ng mga Barangay President, BM Wilfredo Maliksi; UNICEF Local Focal Person for Universal Salt Iodization Mike Palma; Department of Trade and Industry; Department of Science and Technology; Batangas PNP; Bureau of Customs; Department of Education Batangas; Provincial Planning and Development Office; Provincial Legal Office; at Provincial Information Office.

Ang mga programa, proyekto at aktibidad na nakatuon sa kalusugan ay kabilang sa mga pangunahing isinusulong ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas.

Edwin Zabarte – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.