Public Hearing Tungkol sa Real Property Tax Amnesty / Relief sa Lalawigan Ginanap sa Batangas Capitol

Local Government Support Fund (LGSF)
November 8, 2022
Real Propery Tax Amnesty Ordinance Ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan
November 14, 2022

November 10, 2022

Isang public hearing patungkol sa pagbibigay ng amnestiya sa mga hindi nabayarang mga buwis sa real property sa Lalawigan ng Batangas ang isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ngayong araw, ika-10 ng Nobyembre 2022 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City.

Pinangunahan ito nina 4th District Board Member JP Gozos, Chairperson ng Committee on Laws and Ordinances at Board Member Melvin Vidal, Philippine Councilors’ League (PCL) Batangas President at Chairperson ng Committee on Ways and Means ng Sangguniang Panlalawigan para sa pagpapasa ng isang ordinansa na magbibigay ng pagkakataon sa mga may-ari ng lupa na hindi pa nakakabayad ng buwis na mabayaran ang mga ito ng wala nang kaukulang penalty at charges.

Ibinahagi sa public hearing ang iba’t ibang aspeto ng proseso ng tax amnesty o relief program. Nagkaroon din ng talakayan sa question and answer forum upang mabigyang liwanag ang mga mga hakbang patungkol dito.
Nauna itong ipinanukala ni Bokal Gozos noong taon 2018, at pinangunahan niyang muli ngayong 2022 para makapagbigay ng tax relief sa mga kababayan.

Sa mensahe ni Governor DoDo Mandanas, binigyang-diin niya na pangunahing layunin ng pamahalaang panlalawigan ang makatulong sa mga Batangueño dahil sa mga suliraning pinagdaanan ng probinsya, tulad ng pagputok ng Bulkang Taal at ang umiiral pa ring pandemya sanhi ng COVID-19. Sa pamamagitan ng ipinanukalang ordinansa matutulungan aniya ng Kapitolyo ang mga kababayan sa kanilang pagharap sa mga pagsubok sa buhay.

Nakiisa sa nasabing public hearing sina Provincial Assessor, Engr. Eduardo Cedo; Provincial Treasurer Fortunata Lat; 1st District Board Member Junjun Rosales; Assistant Provincial Administrator Colin Garcia; at Atty. Judith Buhay ng Provincial Legal Office.

Dumalo rin sa public hearing ang mga barangay captains, municipal treasurers at mga kinatawan ng mga munisipyo at pribadong kompanya sa lalawigan.

Babylyn Coz-Paña/ Photos: Karl Ambida

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.