Pre-Registration Seminar para sa pagbuo ng kooperatiba, isinagawa sa Kapitolyo

Notice of Vacant Positions
January 8, 2024
Procurement Monitoring Report (2023)
January 12, 2024

January 10, 2024

Sa adhikain ni Governor Hermilando “Dodo” Mandanas na mapalakas at mapaunlad ang mga rural-based organizations (RBOs) sa lalawigan, isinagawa ng Office of the Provincial Agriculturist katuwang ang Cooperative Development Authority (CDA) Region IV ang Pre-Registration Seminar ngayong araw, ika-10 ng Enero 2024, sa PAFE Center, OPAg Compound, Bolbok, Batangas City.

Malugod na binati ni Assistant Provincial Agriculturist Luz M. Labit, na kumatawan kay Provincial Agriculturist, Dr. Rodrigo Bautista, Jr., ang mga dumalo sa kanilang kauna-unahang seminar para sa taong 2024. Ito ay kinabilangan ng mga opisyal mula sa samahan ng iba’t ibang industriya, gaya ng paggugulay, saging, mangga, cacao, kape at hog-raisers.

Kasunod nito, ibinahagi ni Gng. Elizabeth Arago, Cooperative Development Specialist II ng CDA, ang mga dapat malaman ng mga miyembro patungkol sa pag-oorganisa ng kooperatiba. Mahalagang mairehistro ang isang kooperatiba sa CDA upang lubos na makinabang sa mga serbisyo at tulong na ipinagkakaloob ng pamahalaan.

Ang nasabing seminar ay bahagi ng proseso sa pagpaparehistro bilang kooperatiba, kabilang ang orientation na pinangunahan ng Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO) noong nakaraang taon.

Gian Marco Escamillas / Photo: Macven Ocampo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.