Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, Nakiisa sa World Wetlands Day

Resolution No. 1734, Appropriation Ordinance No. 006, Year 2023 – Enacting the Calendar Year 2024 General Fund Local Expenditure Program (Annual Budget) and Annual Operating Budget for the Local Economic Enterprise-Batangas Health Integrated Management of the Province of Batangas
February 1, 2024
Invitation to Bid (February 27, 2024)
February 6, 2024

February 3, 2024

Nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO), sa pagdiriwang ng “World Wetlands Day,” na isinasagawa tuwing ika-2 ng buwan ng Pebrero bawat taon.

Sa taong ito, ang naturang selebrasyon ay may temang “Wetlands and Human Wellbeing,” na naglalayong mapataas ang pandaigdigang kamalayan ng mga mamamayan sa kahalagahan ng “wetlands.”

Binibigyang-diin din nito kung paano magkakaugnay ang mga wetlands at buhay ng tao dahil, habang kumukuha ng kabuhayan ang mga tao sa wetlands, kailangan ding maisa-alangalang ang kapakanan at kalusugan ng wetlands sa buong mundo.

Ang wetlands ay itinuturing na “superhero” ng klima sa pamamagitan ng mga mangroves o bakawan at seagrass sa mga baybayin. Pinoprotektahan ng mga ito ang mga baybayin mula sa mga storm surge at pagtaas ng lebel ng dagat.

Ang PGENRO, kasama ang mga opisyal at mamamayan ng Brgy. Banoyo, San Luis, Batangas at pamunuan at mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), ay nagtanim ng 300 na mga punla ng Bungalon (Avicennia) sa baybaying-dagat ng nasabing barangay, na nagmula sa First Gen Corporation. Nagkaroon din ng paglilinis o pagtatanggal ng mga basura sa mga kalapit na bata pang bakawan at paligid nito upang maging tuloy-tuloy ang kanilang paglaki. Ang mga basurang naalis sa bakawan ay mga plastik gamit sa pamimili, lalagyan ng pagkain, bote, tsinelas, plastic cups, sako, tali, fishing net, damit at maging face mask.

Sa tagubilin ni Gov. DoDo Mandanas, tuloy-tuloy ang iba’t-ibang inisyatibo ng PGENRO upang mapanatili ang isang maayos, malinis at luntiang kapaligiran sa buong Lalawigan ng Batangas.

PGENRO – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.