Pagbuo sa Local Energy Plan ng Batangas Province, Sinimulan Na

Invitation to Bid – Infra (April 18, 2023)
March 27, 2023
Capability Building Program 2023(Continuing 2020)(31M), Addendum for month of March 2023 and Capability Building Program 2023(Continuing 2020)(32M)
March 28, 2023

March 27, 2023

Sa pangunguna ng USAID Energy Secure Philippines (USAID ESP) at Philippine League of Local Environment and Natural Resources Office, Inc., at sa pamamagitan ng Provincial Planning and Development Office (PPDO), isinagawa ang Workshop-Training para sa Formulation ng Local Energy Plan (LEP) para sa Lalawigan ng Batangas noong ika-24 ng Marso 2023 sa Kapitolyo, Lungsod ng Batangas.

Binuksan ang aktibidad sa mensahe nina Provincial Administrator Wilfredo Racelis, na kumatawan kay Gov. DoDo Mandanas, at Ginoong Kelvin Tagnipez, Technical Advisor for Local Governments and Environment ng USAID ESP.

Ayon kay Ginoong Racelis, mahalagang seryosohin at tutukan ang wastong pagbuo ng LEP dahil aniya “..what we do today will be the basis of how we move forward as a province.”

Naging resource speaker at facilitator sa maghapong workshop si Engr. Isabelo Rabuya, Energy Specialist ng USAID ESP at professor sa University of San Carlos sa Cebu. Ayon sa USAID ESP, ang Lalawigan ng Batangas ang isa sa mga pilot provincial government, kasama ang Ilocos Norte, sa paggawa ng Local Energy Plan, na inaasahang magiging gabay ng lahat ng mga stakeholders sa probinsyang kilala bilang “Energy Capital of the Philippines.”

Sa pamamagitan ng LEP, makapagbabalangkas ng mga panukala at istratehiya para magkaroon ng mga kolaborasyon ang lahat ng mga stakeholders sa larangan ng enerhiya – kabilang ang pamahalaan, electric and fuel companies, distribution utilities, iba pang mga bahagi ng pribadong sektor, akademya, at maging ang mga konsumidor at publiko – at maisusulong ang mga akmang pagpaplano at pamamahala para sa nasabing mahalagang resource.

Tinalakay dito ang papel ng Department of Energy, ano ang Philippine Energy Plan na batayan ng LEP, ang mga batas, inisyatibo at polisiya na sumasaklaw sa local energy planning, at ang mga magiging pakinabang ng mga pamahalaang lokal.

Pinag-usapan din ang mga datos na kakailanganin upang mabuo ang LEP, katuwang ang mga fuel at electric companies, distribution utilities, at iba pang mga kabalikat ng pamahalaan. Nagpahayag naman ang mga kinatawan ng nasabing sektor, maging ng akademya, ng kooperasyon at pakikiisa upang agarang makumpleto ang mga kakailanganing impormasyon.

Nagpasalamat naman si Ginoong Danilo Villas, Project Manager ng USAID ESP – PLLENRO, sa mga naging kalahok sa nasabing workshop, at ibinahaging inaasahan nilang makakalap ang mga mahahalagang datos sa lalong madaling panahon upang masimulan na ang mga inisyal na drafts ng plano, at mabuo ito hanggang 3rd Quarter ng 2023.

Ang technical working group ay binubuo ng mga private sector at academe partners, at iba’t ibang mga tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng PPDO.

Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.