Out and Proud! Batangueño LGBT Pride March Umarangkada

Municipal Hopping para sa 2nd State of the Coasts ng Lalawigan ng Batangas, Patuloy na Isinasagawa
June 21, 2018
Notice of Vacant Position
June 25, 2018

Recognition of LGBT rights. Mahigit isang libong LGBT delegates mula sa iba’t ibang bayan ng Batangas Province ang nakibahagi sa makulay at maingay na pagdiriwang ng 4th Batangan Pride March sa bayan ng San Luis noong ika-22 ng Hunyo 2018. John Derick Ilagan – Batangas Capitol PIO | Photo courtesy of Batangas PSWDO

June 25, 2018

Recognition of LGBT rights. Mahigit isang libong LGBT delegates mula sa iba’t ibang bayan ng Batangas Province ang nakibahagi sa makulay at maingay na pagdiriwang ng 4th Batangan Pride March sa bayan ng San Luis noong ika-22 ng Hunyo 2018. John Derick Ilagan – Batangas Capitol PIO | Photo courtesy of Batangas PSWDO

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng LGBT Pride Month ngayong Hunyo 2018, ginanap ang 4th Batangan Pride March para sa mga Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender o LGBT ng Lalawigan ng Batangas sa Bayan ng San Luis noong ika-22 ng Hunyo 2018.

Isinagawa ang Pride March sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigna ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), kasama ang Provincial LGBT Alliance of Batangas (PLAB), Municipal Government of San Luis at San Luis LGBT Association.

Naging maingay at makulay ang Pride March na nilahukan ng higit isang libong LGBT delegates mula sa 19 na municipalities at 2 cities ng Batangas na pumarada at nakilahok sa iba’t-ibang mga aktibidad ng pagtitipon.

Ilan sa mga aktibidad na ito ay ang Parade Festival kung saan ay pumarada ang bawat bayan suot ang kanikanilang local festival costumes, at ilang mga kumpetisyon gaya ng Best in Local Festival Costume, Amazing Gay and Lesbian,LGBT Got Talent at Ms. Q and A.

Personal namang nakisaya sa pagtitipon sina PLAB President Eduardo Punzalan, 1st District Board Member Junjun Rosales, 2nd District BM Wilson Rivera, 6th District Senior BM Wheng S. Africa, University of the Philippines Open University – Office of Gender Concerns Director Finaflor Taylan, at mga kawani ng PSWDO kabilang sina Social Welfare Officer II Eva Palas – Morillo at Division Chief Adelia Macaraig.

Samantala, nagpaabot naman ng mensahe at pagbati si Hon. Geraldine B. Roman, 1st District Representative ng Bataan at kauna-unahang Transgender Woman sa House of Representatives ng bansa. Sa kanyang mensahe ay isinusulong niya ang pagkilala ng karapatang pantao at karapatan bilang mamamayan ng mga LGBT sa Pilipinas.

“It is not about same sex marriage. It is not about infringement of our religious rights. It is simply a recognition of our rights,” ayon kay Roman. – John Derick Ilagan – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
21

Comments are closed.