Orientation Seminar ng 186 Barangay na Tumanggap ng Multi-Purpose Rescue Van, Isinagawa sa Kapitolyo

Notice of Vacant Positions
December 28, 2023
Notice of Vacant Positions
January 8, 2024

January 4, 2024

Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang Orientation Regarding Multi-Purpose Rescue Vans (MRVs), sa pangunguna ng Provincial Assistance for Community Development Office (PACD), noong ika-4 ng Enero 2023, na ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City.

Dinaluhan ito ng mahigit 500 barangay functionaries mula sa 186 na barangay na nakatanggap ng MRV noong taong 2023.

Magugunita na noong taong 2021, pormal na nilagdaan ni Governor Hermilando Mandanas ang isa sa pinakamalaking programa sa kasalukuyan ng pamahalaang panlalawigan, ang pagsasakatuparan ng paghahatid ng mga MRVs sa mga barangay sa buong lalawigan.

Layunin ng programa na mapalakas ang kapasidad ng bawat barangay sa Batangas sa pagtugon sa mga panahon ng kalamidad, pagbibigay ng pangunang lunas at para sa mabilisang pampublikong serbisyo.

Ang unang batch ng distribution noong 2022 ay inilaan sa 399 na mga coastal at Taal lakeshore barangays, na, sa pagtaya ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ay pinakananganganib sa mga banta ng storm surge, landslides, flash flood, pagputok ng bulkan, at iba pang sakuna.

Kabilang sa mga nagbigay ng kanilang kaalaman patungkol sa wastong paggamit at mga kaugnay na impormasyon at mga kinatawan mula sa Land Transportation Office, National Telecommunications Commission, Government Service Insurance System (GSIS), Hino Motors, PDRRMO at General Services Office.

Ipinaliwanag dito ang ilang mga pangunahing dapat malaman ng mga tumanggap at nangangalaga ng mga MRV, tulad ng Special Features at Salient information sa pagamit ng MRV sa panahon ng sakuna, Warranty at Technical features, LTO Rules and Regulation, Proper use of Mobile Radios, insurance policies, at Safe Driving and Proper Maintenance.

Janssen Olimba / Photos: Francis Milla – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.