Operational Interoperability, Bagong Early Warning System nasubok sa isinagawang Disaster Exercise

Seminar hatid ng PHRMO para sa mga kawani ng Kapitolyo, isinasagawa
February 22, 2019
CALABARZON Peace and Development Summit, Joint Regional Development Council at Regional Peace and Order Council Meetings, idinaos
February 27, 2019

February 22, 2019

Batangueño, Laging Handa. Matagumpay na nakiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa 2019 First Quarter National Simultaneous Earthquake Drill noong ika-21 ng Pebrero 2019 sa Capitol Grounds, Batangas City. Sa pangunguna ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), sa pamumuno ni PDRRMO Chief Lito Castro, ipinakita ang kakayahan at kahandaan ng mga itinalagang Safety Officers at First Responders mula sa iba’t-ibang tanggapan sa Kapitolyo na pangunahan ang orderly evacuation ng kani-kanilang mga opisina. JHAY JHAY PASCUA/Photo by: MACCVENN OCAMPO

Muli na namang nasubukan ang kahandaan, sa pagtugon sa kalamidad at sakuna, nang makiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at mga kawani nito sa isinagawang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) noong ika- 21 ng Pebrero 2019.

Sa pangunguna ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), sa pamumuno ni PDRRMO Chief Lito Castro, muling nasukat ang kakayahan at kahandaan ng mga itinalagang Safety Officers at First Responders mula sa iba’t-ibang tanggapan sa Kapitolyo na pangunahan ang orderly evacuation ng kani-kanilang mga opisina.

Ganap na alas-dos ng hapon, binigyang hudyat ng isang malakas na pagtunog ng sirena mula sa bagong tayong Emergency Warning System ang buong Capitol Compound, na nagaganap ang isang malakas na pagyanig sa lalawigan.

Masusing nagmatyag ang mga opisyal ng Department of the Interior and Local Government, Philippine Red Cross, Bureau of Fire Protection, Philippine Information Agency, Provincial Health Office at Provincial Social Welfare and Development Office, na tumayong mga tagamasid sa kabuuan ng disaster exercise, na binubuo ng standard Duck, Cover and Hold drill; sinundan ng evacuation procedures; search and rescue exercise; fire suppression; high-rise extraction; at, first aid application, sa ilalim ng itinalagang Incident Command Management System ng Batangas PDRRMO.

Ipinakita ng mga kawani ng Batangas PDDRMO, at kaagapay na mga line agencies, ang kanilang Operational Interoperability (ang kakayahan ng iba’t ibang mga tanggapan at ahensiya na gumalaw at magtrabaho ng sama-sama bilang isang nagkakaisang team o pangkat) sa pagpapakita ng mabilis na ugnayan at pagtugon sa iba’t ibang emergency scenarios ng NSED.

Sa pagsaksi sa nasabing earthquake drill, nagpasalamat si Provincial Administrator Levi Dimaunahan sa mga lumahok, ganun din sa mga bumubuo ng mga responders, sa kanilang ipinakitang dedikasyon na gampanan ang nakatakdang tungkulin sa oras na magkaroon ng kalamidad.

Ipinaabot din nito ang rekomendasyon kay Governor Dodo Mandanas na maglaan ng karampatang budget para sa PDRRMO, bilang isang bagong departamento ng Kapitolyo, para sa epektibong pagtugon sa mandato at tungkulin sa lalawigan.

Sa panig ng PDRRMO, ipinahayag naman ni Castro sa mga kalahok na paiigtingin pa lalo ng kanilang tanggapan ang pagpapatupad ng Batangas Provincial Disaster Plan, kabilang ang tuloy –tuloy na pagsasanay sa mga Safety Officers at designated First Responders para umangat pa ang kapasidad ng mga ito sa larangan ng disaster operations. / Edwin V. Zabarte- BatangasPIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.