February 22, 2019
Sa patuloy na pagnanais ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na maiangat ang serbisyo publiko, ginaganap ang seminar tungkol sa “The Practice of Good Housekeeping Through 7S”, na proyekto ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO) – Career Development Division para sa mga kawani ng lahat ng departamento ng Kapitolyo.
Nagsisilbing resource person si Gng. Evangeline Mendoza, Director for Career Development, Alumni and Placement ng Lyceum of the Philippines University – Batangas.
Ang 7S of Good Housekeeping ay naglalayong maisaayos ang mga kagamitan sa opisina upang mas maging epektibo ang mga kawani sa kanilang pagtatrabaho. Ang ibig sabihin ng pitong letra na ‘S’ ay Sort, Set in Order, Shine, Standardize, Sustain, Safety, at Security.
Naging paksa rin sa seminar ang Total Quality Management, na nakasentro sa pagkakaroon ng kalidad o customer-driven approach sa operasyon ng isang opisina, at pagbibigay ng serbisyo sa pamamagitan ng patuloy na pagpapabuti ng mga ginagawang kasanayan tungo sa isang long-term success.
Sa kasalukuyan, nakadalo na sa nasabing seminar, na ginaganap sa kanya-kanyang tanggapan upang makadalo ang bawat isang kawani, ang mga empleyado ng Office of the Provincial Governor, Office of the Provincial Administrator, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Office of the Provincial Veterinarian, Provincial Information Office at Provincial Cooperative, Livelihood & Enterprise and Development Office.
✎ Mark Jonathan M. Macaraig/Bryan Mangilin – Batangas Capitol PIO