OPAg Community Food Market, Muling Bubuksan Ngayong Taon

Local Government Support Fund-Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Program – Report on Fund Utilization and Status of Program/Project Implementation as of December 31, 2022
January 31, 2023
Annual Procurement Plan for CY 2023
January 31, 2023

January 31, 2023

Malugod na ibinahagi ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) sa unang pagpupulong nito sa iba’t ibang stakeholders noong ika-26 ng Enero sa PAFE Center, OPAg Demo Farm Area, Bolbok, Batangas City, ang plano para sa muling pagbubukas ng Community Food Market sa Kapitolyo ngayong 2023.

Ito ay kasunod ng matagumpay na pagdaraos ng nasabing proyekto noong 2022 na nakapagtala ng mahigit sa ₱1.8 Milyon na kabuuang benta ng iba’t-ibang mga produkto mula sa mga medium and small enterprises at mga samahang pangkabuhayan sa lalawigan.

Simula nang ilunsad ang nasabing barakahan noong ika-5 ng Mayo 2022, kasabay ng pagdiriwang ng Farmer’s Day, lumago ang bilang ng mga asosasyon ng mga magsasaka at mangingisda, kooperatiba at micro, small and medium enterprises (MSMEs) na nakilahok dito.

Mula sa siyam na exhibitors, umabot sa 42 na mga vendors ang nakapag-alok ng kanilang mga produkto sa mga kababayang Batangueño.

Sa loob ng 8 buwan, 12 beses nakapagorganisa ang OPAg ng community food market na mainit na tinangkilik ng mga taga-Kapitolyo at mga nakatira sa paligid-libot nito.

Ayon kay Provincial Agriculturist, Dr. Rodrigo Bautista, naisakatuparan ang layunin ng paglulunsad ng food market na mailapit ang palengke sa mga kababayan, gayundin, ang pagtataguyod ng mga produktong Batangueño na nais pang paigtingin upang mas makilala pa ito hindi lang sa lalawigan kundi sa ibang parte ng mundo.

Ipinaabot din niya ang pagbati at pasasalamat ni Governor DoDo Mandanas sa lahat ng mga naging bahagi ng programang ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, at ang pag-asa na muli itong tangkilikin upang mas marami pa ang makinabang.

Samantala, binigyang-pansin din sa pagpupulong ang Good Agricultural Practice o GAP na siyang ginagamit na patakaran upang matiyak ang kalinisan at kaligtasan ng mga pagkain na binebenta. Sisiguraduhin ng OPAg na bukod sa mura ang presyo ay malinis at ligtas ang mga ito.

Inaasahan magbabalik ang OPAg Community Food Market sa Kapitolyo ngayong Pebrero.

Batangas Capitol PIO / Photos by Macven Ocampo

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.