Mga Opisyal ng Samahang Papagayo Batangueño, Nanumpa sa Harap ni Gov. Dodo, mga Opisyal ng Kapitolyo

Resolution No. 784, Provincial Ordinance No. 009 Year 2023 – PROVIDING FOR THE PASSAGE OF AN ORDINANCE PROHIBITING ACTS OF ONLINE SEXUAL ABUSE AND EXPLOITATION OF CHIDREN (OSAEC) IN PROVINCE OF BATANGAS WITH CORRESPONDING PENALTIES, THEREAFTER PROVIDING A SUPPORTIVE ENVIRONMENT FOR THE SURVIVORS AND PROVIDING FUNDS THEREOF
May 22, 2023
Invitation to Bid – Infra (June 20, 2023)
May 23, 2023

May 22, 2023

Pormal na pinangunahan ni Governor DoDo Mandanas, kasama sina Vice Governor Mark Leviste at mga Board Members ng Sangguniang Panlalawigan, ang isinagawang oath-taking ceremony ng Papagayong Batangueño Group ngayong araw ng Lunes, ika-22 ng Mayo 2023, sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Batangas City.

Ang Papagayo Batangueño Group ay isang bagong organisadong grupo ng mga mahilig sa saranggola mula sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad sa lalawigan na may kasanayan sa pagpapalipad at pagdidisenyo nito. Nabuo ang samahan sa tulong ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO).

Layunin ng grupo na muling ipakilala, buhayin at isulong ang paggawa at pagpapalipad ng saranggola sa buong lalawigan. Itinataguyod din nila ang sining ng paggawa ng saranggola dahil kasama ito sa Traditional Cultural Expressions Domain na nakasaad sa Creative Industry Law o Republic Act 11904, The Philippine Creative Industries Development Act.

Kabilang sa mga opisyal na nanumpa ay sina Papagayong Batangueño Group President, Eric Basit; Vice President Emok Mendoza; Treasurer Arvijune R. Villamor; Sergeant at Arms na sina Jordan Calingasan at Anastacio Anonuevo; at mga Board Members na sina Ariel Dimaculangan, Louis Abriel Mandocdoc, Raymond Robles, Ruel Calingasan, Ronnel De Castro, Bash Almazan, Paulo Del Mundo at Pablito Paradilla.

Jayne Elarmo/Janssen Olimba Photos: Junjun Hara De Chavez– Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.