Mga Kooperatiba sa Lalawigan ng Batangas, Patuloy na Bumabangon sa Epekto ng Pandemya

Invitation to Bid – Goods (April 27, 2023)
April 20, 2023
Resolution No. 617, Provincial Ordinance No. 005 Year 2023 – AMENDING THE PROJECTS TO BE FUNDED UNDER THE 20% DEVELOPMENT FUND FOR FY 2023 AMOUNTING TO PHP 29,225,323.40
April 24, 2023

April 20, 2023

Sa biglaang pagpapatupad ng lockdown noong 2020 dahil sa pagkalat ng sakit na dulot ng COVID-19, maraming mga negosyo at establisimiyento ang napilitang itigil ang kanilang operasyon kabilang na ang mga kooperatiba.

Sa ulat ni Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO) Head Celia Atienza sa B’yaheng Kapitolyo noong ika-19 ng Abril 2023, nasa 75-80% ng mga kooperatiba sa lalawigan ang nagsara sa kasagsagan ng pandemya.

Sa kabila nito, marami pa ring naging proyekto ang mga nanaig na kooperatiba na hindi lamang ginamit ang kanilang mga pondo sa pagnenegosyo kundi maging sa pagtulong sa kanilang mga miyembro. Ilan sa mga ito ang pagkakaloob ng tulong pinansyal sa pagpapagamot at pamamahagi ng food packs kung saan nagsimulang isagawa ng PCLEDO ang mobile market upang mailapit sa mga kooperatiba ang pamilihan.

Tatlong taon matapos ang lockdown, sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya, kasabay na bumabangon ang mga kooperatiba.

Sa kasalukuyan, mayroong mahigit 400 kooperatiba sa lalawigan ng Batangas ang nakarehistro sa Cooperative Development Authority (CDA) na siyang tumatayo bilang regulatory agency nito. Nasa 349 dito ang ginawaran ng Certificate of Compliance (COC) dahil sa kanilang pagtalima sa mga patakaran at maayos na pamamalakad ng kanilang mga organisasyon.

Samantala, patuloy ang panawagan ni Ginang Atienza sa mga kabataan na maging bahagi ng mga kooperatiba. Aniya, sa paglipas ng panahon, mangangailangan ang mga kooperatiba ng mga bagong henerasyon na magtutuloy ng kanilang mga nasimulan. Dagdag pa rito, ang mga trabaho na maaaring malikha sa paglulunsad ng iba’t ibang proyekto.

Ibinahagi niya na mayroon na silang mga laboratory cooperatives o mga kooperatiba na binubuo ng mga kabataan na edad labing-walo pababa, na nasa ilalim ng pangangalaga ng mga mas malalaking kooperatiba, kahit hindi pa pormal na nakarehistro sa CDA. Sa pamamagitan ng programang ito, natuturuan at nagagabayan ang mga kabataan sa pagpapatakbo ng organisasyon at magkaroon ng mga kakayanan na palaguin ang mga ito.

Gian Marco Escamillas – Batangas Capitol PIO / Screenshot from B’yaheng Kapitolyo

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.